PAGKABABA niya ay wala na si Lawrence. Ang mga bata na lang ang naabutan niyang kumakain kasama ang dalawang yaya ng mga ito. She can't help but feel hurt. Lalo pa at nalaman niya mula kay Wenna na kasama ng lalaki si Gemini na umalis. Nawalan tuloy siya ng ganang kumain kaya nagpaalam na lang siya sa mga bata na aalis na papuntang trabaho. Nagtaka pa siya nang pagpasok niya sa building ng Media Global ay nakatingin sa kaniya lahat ng mga empleyado. Lalo na ang babaeng nasa information desk. Pero ipinagsawalang bahala na niya iyon at dumeretso sa lift. Pero nang makapasok siya sa loob ng opisina ay nagulat siya nang kaagad siyang usisain ni Lexy at Mark tungkol kay Lawrence. “s**t, girl! Ang hot niya nang makita namin siyang pumasok dito. Lahat ng mga empleyado natataranta dahil sino

