Chapter 59 Bella POV NA–REALIZED ko na hindi pala ganoon kadaling kalimutan ang lahat lalo na ang pagmamahal ko kay Knox. Pero, siguro kay Knox nakalimutan na niya ako. Nakikita kong masaya siya sa buhay niya. Laging bida sa mga balita lalo sa project na pinapatayo kahit presidente ng pilipinas ay malapit siya. Dahil kapartido ng kanyang ama at investor din sa kanilang company. Nalilink si Knox ngayon sa anak nito medyo tumahimik ang isyu sa kanila ni Sophia. Kakaiba talaga ang lalaking iyon. Playboy nga! Walang babaeng nagtatagal, gusto yatang tikman ang lahat kapag nagsawa na siya. Itatapon na lang niya katulad ng ginawa niya sa akin. Hahanapan niya ng butas para may maidahilan siya para iwan niya. Imbes na ayusin ang problema namin, tinapos niya ng ganoon na lang. Kung nakaya niya

