Chapter 60 Bella POV NAGDESISYON akong pumunta sa mansiyon. Despite the doubts and uncertaintues, napagtanto ko na kailangan niyang malaman. Dahil karapatan niya iyon ni Knox. Bumaba kami ni Amanda sa tricycle, pakiramdam ko'y nagsusumigaw na kaba sa aking dibdib. Ibang–iba sa dati, pero alam kong ito'y nararapat. Ngunit tila may kasiyahan ang mansiyon. Maraming sasakyan sa labas ng gate. May nakita akong mascoat, marahil may birthday party sa loob. Imposibleng birthday ni Mika. Dahil September ang nakasulat sa birth certificate nito. Maliban lang kung hindi iyon ang tunay niyang birthday. Dahil bukas ang gate, tuloy–tuloy kaming pumasok ni Amanda. "Sigurado ka ba sa ginagawa mo?" May alanganin sa tinig nito sabay kaway sa mga nagkalat na security, nagawa pa niyang magpakyut. Hindi

