Third Person POV “Tito, huwag po. Hindi po ako magsusumbong, please po!” humahagulgol na pagmamakaawa ni Arianna sa amain. May hawak na malapad na sinturon ang Tito Harold niya at galit na galit ito dahil naunsyami ang plano niya kay Avez. Kung ano-anong mga bagay na ang naglaro sa utak niya na balak niya sanang gawin kay Avez. Ngunit dahil tinulungan itong makatakas ni Arianna ay hindi na niya nagawa pa ang lahat ng gusto niya. “Matigas din ang ulo mo, eh! Hindi ka talaga magtatanda hangga’t hindi kita nalulumpo! Sige, dapa!” malakas ang boses na sigaw nito. Naririto na sila ngayon sa basement at naginginig sa takot si Arianna. Noong isang taon lamang pagkatapos bumalik ng Mama niya sa Kuwait nang simulan siyang molestiyahin ng stepfather niya. Naging malapit ang loob nilang magkapati

