Pagkasakay na pagkasakay ko ng kotse ay tumabi agad sa akin si Mommy. Nasa bandang harapan naman si Leighton. Si Llander naman ay sumakay na rin sa kotse niya. Naitakip ko ang dalawang kamay sa mukha ko at umiyak nang umiyak. “Anak kumalma ka at baka kung ano’ng mangyari sa iyo. Kanina ka pa iyak nang iyak ng masaklap, it’s breaking my heart, hija…” pang-aalo ni Mommy sa akin habang hinahagod ang likod ko. “Tama si Tita, Avez. We will get justice on this, okay? Please calm down,” segunda rin ni Leighton. Pero kahit na ano pa ang sabihin nila ay hindi ko magawang kalamayin ang kalooban ko. Ang sakit-sakit ng dibdib ko sa magkahalong galit at pandidiri kay Mang Harold, at awa para naman sa kaibigan kong si Arianna. Naniniwala akong may dahilan kaya siya nagsinungaling. Pagdating namin sa

