Avez’s POV Nang maka-adjust na sa liwanag ang mga mata ko ay lalo lang akong nakaramdam ng takot. Nasa isang silid ako na may mapanglaw na ilaw at wala man lang ni isang bintana. Lumapit si Mang Harold sa akin at tinanggal ang tape sa bibig ko. “Mang Harold, bakit ni’yo po ako itinali? Ano’ng gagawin ninyo sa akin? Ano’ng ginawa ni’yo sa kaibigan ko? Nasaan si Arianna?” magkakasunod na tanong-tugis ko kay Mang Harold. Pagkatapos ay pasigaw na tinawag ang kaibigan ko. “Arianna! Arianna, tulungan mo ako!” Malakas akong suminghap nang biglang tumawa nang malakas si Mang Harold. Kahit magsisigaw ka pa, walang makakarinig sa iyo rito. Alam mo, matagal na kitang tipo, eh… hindi lang ako makatiyempo. Pero sino ang mag-aakalang, ikaw na mismo ang lumapit sa akin…” nakangisi at malademonyong pah

