Chapter 9 Evil

2415 Words

“Ma’am? Ayos lang po ba kayo?” nag-aalala at nagtatakang tanong ng driver namin. Umiling lang ako at mabilis na sumakay sa kotse. “Kuya, pahatid po sa bahay nina Arianna. May gagawin po kasi kami ngayon,” mabilisan kong pakiusap. Kaya naman pinaandar at pinaarangkada na niyang muli ang sasakyan paalis. Nilingon ko pa ang building kung nasaan ang opisina ni Llander at lalong kumirot nag dibdib ko. Pilit kong pinipigilan ang maiyak pero hindi ko magawa. Nagkakatampuhan din naman kami ni Llander mula pa noon, pero ngayon lang niya ako ininsulto nang gano’n. At hindi ko akalaing masakit pala kapag sa kaniya mismo galing. Mabilis kong pinahid ang mga luha ko. Hindi ako puwedeng magmukhang kawawa at umiyak nang matagal. Mabilis kasing mamula at mamaga ang mga mata ko kapag umiiyak. Kaya kusa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD