“Llander, hindi naman sa gano’n. Kaya lang nakapagbitiw na kasi ako ng salita kay Leighton, tapos sinundo pa niya ako rito. Kaya huwag ka nang magtampo, okay? Bawi na lang ako sa iyo! Bye!” kumaway pa ako at nilampasan na siya. Agad naman siyang sumunod sa akin habang tinawatag ang pangalan ko. “Avery, stop! Avez! Nag-uusap pa tayo, eh.” Pero hindi ko na siya pinansin pa at dumiretso na ako sa mesa kung nasaan si Arianna. “Arianna, ‘alis muna ako, ah. Dito ka lang muna, ha? Pero kung kailangan mo nang umuwi, nagbilin na ako sa driver namin na ihatid ka. O kaya, puwede rin namang magpahatid ka na lang kay Llander,” makahulugang saad ko. Tila kuminang naman ang mga mata niya sa narinig. “Ay, gusto ko iyan! Bakit nandiyan na ba si Leighton? Sinusundo ka na?” tanong niya, kaya agad naman ak

