Sa ganitong senaryo kami naabutan nina Mommy at Daddy. Paalis na sana kami para ibalik si Aurora sa ospital, habang si Llander naman ang magba-blotter sa mga pulis ng tungkol sa nangyari. Nang lingunin ko si Aurora ay namumugto ang mga mata at nanginginig pa rin ang buong katawan dahil sa mapait na mga alaalang isinalaysay niya sa amin ni Llander. Hindi agad nakapagsalita ang mga magulang ko, ngunit ramdam ko ang pag-aalalang bumalatay sa mga mukha nila. "Anak? Sino 'yang kasama mo? Ano'ng nangyari?" tanong ni Mommy habang dahan-dahang lumapit at naupo sa tabi ko. Hindi ko alam kung paanong sisimulan ang kwento, pero alam kong hindi na ito pwedeng itago o patagalin pa. Kaya naman muling bumaling ako kay Aurora. “Aurora, okay lang ba na sabihin ko rin kina Mommy ang mga sinabi mo sa ami

