"Aling Rhea, mahirap pong tanggapin, pero nakakuha na po kami ng ilang ebidensya na nagpapakita ng pang-aabuso kay Aurora. Bilang kaniyang pansamantalang tagapag-alaga, responsibilidad namin na protektahan siya," maingat pa ring paliwanag ni Ate Milagros kahit alam kong nagtitimpi na lang din siya ng galit. “Huwag ni’yo akong lokohin! Hindi ako tanga at alam ko ang batas! Ako lang ang may karapatang magdesisyon sa mga anak ko dahil alam kong walang katotohanan ang–” "Ma, totoo po ‘yong sinasabi niya... totoo po ang lahat! Hanggang ngayon po ay nasa bahay pa si Ate Arianna at sinasaktan po ni Tito Harold!" hindi na nakatiis na sigaw ni Aurora. Tumayo ito kaya napatayo rin ako. "Tumahimik ka, Aurora! Huwag mong isiksik sa isip mo 'yang mga kasinungalingan nila! Lahat ng mga ito ay g

