Nakatagilid si Arianna, duguan at may hawak na basag na salamin. Ang sariwang sugat sa kaniyang tiyan ang nagdudulot ng matinding pagdurugo, at kitang-kita sa kaniyang mukha ang labis na sakit at kawalan ng pag-asa. Nakahandusay siya sa gilid ng mesa, ito na lamang ang naiisip niyang paraan para matapos na ang lahat ng mga paghihirap niya. Sa ganitong eksena siya naabutan ng mga pulis. Mabilis namang kumilos ang mga ito at tumawag sa radyong dala nila. "Ambulansya! Bilisan niyo, may malalim na sugat ang biktima. Kailangan natin ng medics!" bulalas ng isa. Ito ang agad na iniradyo ng isa sa mga kasamahan nilang pulis. Dumating ang mga rescue personnel, dala ang kanilang mga kagamitan. Mabilis nilang sinuri si Arianna, at makikita sa kanilang mga mata ang takot sa sitwasyon. Patuloy ang p

