Chapter 17 Realization

2253 Words

Avez’s POV “Ate Avez!” pasigaw na tawag ni Aurora sa akin nang mamataan niya ako. Pinilit ko naman ang ngumiti para hindi siya gaanong mag-alala. “Ate Avez, kumusta po ang Ate ko?” kasunod niyang tanong. “Nasa ER siya ngayon. Huwag kang mag-alala, Aurora, inaasikaso na siya ngayon ng mga doktor,” malumanay kong sagot. Kumunot naman ang noo niya. tumingin pa siya kay Llander, pagkatapos ay bumalik sa akin. “Bakit po, Ate? Ano po’ng nangyari sa kaniya? Bakit po kailangan siyang gamutin ng doktor?” inosenteng tanong niya. Ngayon ay may namumuo na namang luha sa mga mata niya. Natigilan naman ako at bigla kaming nagkatinginan ni Ate Milagros. Hindi ko alam kung tama bang sabihin na kay Aurora ang nangyari. “Aurora, maupo muna tayo,” agaw-pansin naman ni Ate Milagros sa kaniya. May pag-

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD