Chapter 18 Brutal Punishment

2606 Words

“Ano po ang ginawa niya sa inyo pagkatapos niya kayong painumin ng gano’n?” hindi ko napigilang tanungin. Namuo ang luha sa mga mata niya at mahigpit na naghawak ang mga kamay nila ng kasama niya. “Pagkatapos no’n ay hinalay niya ako. Nagsumbong ako pero hindi nila ako pinaniwalaan. Hanggang sa mabuntis ako at itong si Cheska ang naging bunga–” “Mahabaging langit!” gimbal na bulalas ni Tita Rhea. Naiyak naman si Arianna kaya maging ako ay mabigat na rin ang dibdib. Ngunit nagpatuloy sa pagsasalita si Aling Sonia. “Para hindi na lumabas o lumaki pa ang gulo ay sinuportahan ng mga magulang ni Harold ang anak ko. Lumipas pa ang labinlimang taon sa buhay naming mag-ina. At ito namang nakaraan na apat na taon na ay bigla na lang ulit sumulpot iyang si Kuya Harold. Akala ko ay nagpakita siya

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD