Ten Years Later… “Avery Zynia, ano ba! Buksan mo na ito! Pakainin mo naman ako, hindi pa ako nag-aalmusal, eh! Dumiretso na agad ako rito. Huy!” pilit niyang tawag sa akin nasa labas pa rin siya ng condo ko. Gusto ko na lang matawa kay Llander, pero at the same time, naaawa na rin ako sa kaniya. Kaya naman inilapag ko ang mga ibinigay niyang peace offering sa center table ng sofa at muling tinungo ang pintuan. “Sige na nga, tumuloy ka na! Nakakainis ka talaga!” asik ko sa kaniya. Nagmamadali naman siyang pumasok at tuwang-tuwa pa nga. Umikot na lang ang mga mata ko. “Wala pang nalutong pagkain dito, balak ko sana kasing umuwi sa bahay at–” Nagulat ako nang bigla niya akong yakapin nang mahigpit. Gano’n na lamang kumabog ang dibdib ko kaya ilang beses akong napalunok. “I am so sorry

