Nang muli kong idilat ang mga mata ko ay doon ko naramdaman ang sakit ng ulo ko at ang bigat ng katawan ko. Kaya naman bigla akong nagtaka kung ano ang dahilan at para akong binugbog na ewan. Kasabay din niyon ay ang pagbabalik sa gunita ko ng lahat-lahat ng mga nangyari. “s**t!” sinilip ko ang sarili ko sa ilalim ng kumot. Pagkatapos ay napabaling ako sa tagiliran ko. Nanlaki ang mga mata ko at napaawang ang mga labi ko. “Nakipag-s*x ako kay Llander? Damn!” usal ko sa sarili. Kumabog nang malakas ang dibdib ko at biglang binaha ng alaala ang isip ko. Nasa party kami nina Uncle Marco at Uncle Marcus kagabi. Tapos nahuli ko si Llander na may kaanuhan sa CR. Then he kissed me, and I was so mad, so I walked out. Hindi ko alam kung bakit ako galit na galit. Kung doon ba sa nakita ko sa CR

