The First Impression.
CHAPTER # 1
Isang magandang umaga para sa isang simple, masayahin, mabait pero hindi masyadong matalino na tulad ko.
Ewan ko ba ba't naman kasi hindi ako nabiyayaan ng katalinohan siguro mahimbing ang tulog ko nong nag paulan nag katalinohan si lord kaya ayon medyo bobo si ate nyo girl. Pero okay lang atleast mabait naman HAHAHAHAHAHA char jokeee.
Pero excited ako ngayon kasi alam nyo kahit bobo ako gusto ko rin namang makapagtapos ng pag- aaral kaya ito ako ngayon nag lalakad papunta sa paaralan.
Kasi it's our first day of school and I'm proud to say na nakaabot ako ng senior high mga sister o diba big achievement yun para sa family ko at lalo na sa economy girl. kaya dahil first day of school ngayon ito rin ang araw kung saan magsisimula na ang paghihirap ng tulad kung bobo HAHAHAHAHAHA.
Oh! diba ang dami kung dal-dal pero hindi pa pala ako magpapakilala.
So i will introduce my self I'm Meliza San Jose you can call me Mel for short I'm 17 years old and I came from a rich family charr etchoss lang medyo may kaya lang pala sa buhay.
So sa mga nagtataka ganito yun.
My mom owns a small business shop like restaurants and nails and salon shop while my dad is an head engineer in a corporation.
Ouhh! diba ang tatalino, hulaan nyo kung san ako nagmana nang kabobohan siguro sa kabitbahay namin.
Pero seryoso minsan napapa isip talaga ako siguro ampon o sampid lang ako sa pamilya namin. Kasi naman ang tatalino ng mga magulang at kapatid ko. Pero ako? Asus ewan ko nalang talaga kung san ako nag mana si lord lang ang bukodtanging nakakaalam .
So back to the main topic sabi ko nga kanina ngayon ang unang araw ng pasukan kaya nag lalakad na ako papunta ng school kung saan ako nag aaral malapit lang kasi ang bahay namin sa eskwelahan na pinapasukan ko kaya nilalakad ko nalang sayang lang kasi ang gas kung magpapahatid pa ako kay mama kung sasakay naman ako sayang lang rin yung pamasahe kaya nilalakad ko nalang nakaka pagehersisyo pa ako sa araw-araw.
Kaya habag patuloy kung binabagtas ang daan papunta sa school malayo palang tanaw mo na ang malaking pangalan nito na naka lagay sa itaas ng gate na Saint. Mary State Of College o mas kilala sa tawag na SMSC dito ako nag-aral elementary hanggang ito senior high dakilang loyal si ate girl nyo. Papasok na sana ako ng gate ng bilang may tumawag sa akin.
" Mel! Mel! Meliza San Jose! dito sa likod mo." - palingon pa sana ako sa likod pero may humawak na sa balik ko kaya napatingin ako sa kanya kaibigan ko lang pala si Hanna
" Huyyyy! bruha ka ba't hindi ka sumasagot sa chat at tawag ko haaaa"? - sabay batok sa akin.
" Aray! naman Hanna grabe ka naman maka batok sakin parang hindi tayo nag kita noon isang araw ahh! ganyan mo ba ako ka misss." - Wika ko sabay yakap ko sakanya at sabing
" Pano ko masasagot ang tawag mo eh! nasa bag yung cellphone ko alagan naman kunin ko pa pano pagnasagasaan ako ha ? sagot mo ba ang gastos hindi naman diba?" - Pagpapaliwanag ko sa kanya
Siya nga pala si Hanna Aquino 18 year old. Isa sa mga kaibigan/bff ko na mahal na mahal at importante sa akin actually apat kaming magkakaibigan at makikilala nyo pa ang dalawa mamaya kaya abagan.
" Eewww! anong miss ka jan! May gusto lang akung itanong akala ko ba HUMSS yung gusto mo ba't nanging mag kaklase tayo eh T.V.L yung strand ko?" - Hanna
" Ahh! yun ba? Hindi ko ba nasabi sayo?"
" Meliza namin ehh! mag tatanong ba ako kung nasabi mo ha?" - bulalas nya.
" Yung naman talaga yung plano ko kaso ano ehh! pag nag HUMSS ka pala may exam pa bago nakapasok alam mo naman na bobo ako pano ako makakapasok dun".
" Edi sana nag try ka monang mag exam diba? kasi pano mo naman malalaman kung makakapasok ka or hindi kung hindi mo manlang sinubukan mag try ng exam ." - paliwag ni Hanna
Tama rin naman si Hanna pano ko nga naman malalaman kung hindi ko susubukan diba. Pero okay na to kaysa naman mag expect at umasa ako na makakapasok ako kahit alam ko naman sa sarili ko na hindi talaga kaya at para iwas narin sa pagkabigo diba.
" Tama ka naman jan Han pero may magagawa pa ba ako? eh! wla na tapos na kaya maging masaya ka nalang kasi magiging magkaklase pa tayo nila grace, maica, ako at ikaw ohh ayaw mo yung dawalang taon tayong makasama?" - sabi ko na may halong lungkot.
" Hindi naman sa ganon pero diba pangarap mong maging teacher? Pano nayon?. - bulalas nya sabay hawak sa kamay ko.
" Okay lang yung ano kaba iba na ang pangarap ko ngayon gusto kunang maging chef ."
" Wow bilis mag iba ah? chef pa talaga gusto mo eh hindi ka nga marunong mag luto kahit na lugaw bhe." - wika ni Hanna sabay hampas sabalikat ko.
" Huy! grabe ka marunong kaya akong mag luto."
" Oh! talaga tulad ng ano???
hotdog at pancit canton na sunog pa HAHAHAHAHAHAHAHA - pangiinis nya sa akin sabay takbo palayo.
" Huyy! grabe ka saking babae ka pagtalagang maabotan kita makakatanggap ka nang piktus sakin ". - Sigaw ko sabay takbo at habol sa kanya.
Nang nakarating na kami sa bago namin classroom sinalubong agad kami ng dawala ko pang bruhang kaibigan na sina Jamaica Lyn Santos at is Mary Ann Grace na 17 years old lang din tulad ko.
" Oh! ba't ang tagal ninyo? at bat kayo sabay dumating siguro nag usap kayo noo? na kayo- kayo lang dawala hindi kami kasali". - sabi ni maica na may halong pag tatampo.
" Yeh that's right i thought we are friends diba ba't kayo-kayo lang haa? Are we not part of that especial friendship for yours na? - wika naman ni grace na may halong pag iinarte.
" Alam nyo ang ooa nyo ba't pa kasi ako nag karon ng mga kaibigan na tulad nyo isang tanga isang matampohin at isang english ng english eh nasa Pilipinas naman tayo. ayyy! ewan ko nalang talaga sa inyo". - Sabi naman ni Hanna sabay lagay ng bag nya sa uponan at sabay upo.
" Wait san ako dun? ako ba yun tanga? - Sabi ko na may halong pag iisip pa.
" Ha? Oo ikaw yung hindi pa ba halata."- banat naman ni maica at sabay silang nag tawanan tatlo.
Wow ang galing talaga nag mag kaibigan ko ipamukha ba naman sa aking na tanga ako pwede naman sabihin na mabait nalang kaysa sa tanga nakakasakit kasi ng damdamin kaibigan ko ba talaga ang mga to?
Kaya dahil sa sinabi nila hindi nalang ako ng salita pa at binabayaan silang mag tawanan tatahimik lang din ang mga yan pag nag sawa na.
Hindi nga ako nagkamali kasi wla pang isang minuto tumahimik na sila at pag tingin ko sa kanila kanya-kanya na silang pindut sa cellphone nila.
Habang ako naman ay dahang- dahang pinagmasdan ang aming bagong classroom wala naman bago isang normal na classroom lang may white board sa harap at malaking binta sa magkabilang gilid may kurtina din na kulay blue at dalawang aircon. Pinagmasdan ko narin ang aking mga magiging kaklase ang iba ay pamilyar na pero meron din naman hindi siguro mag tatlo sila transferee ata.
Tulad nalang ng lalaking yun na naka upo sa tabi ng bintana at malayo ang tingin sa labas base sa nakikita ko gwapo siya matangkad, moreno at matangos ang ilong siguro hindi sya pure filipino kasi ang gwapo nya. Sa sobrang aliw ko sa pag titig ko sa kanya hindi ko na napansin ang pagsasalit ni maica sa harap namin.
" Huyy! alam nyo ba na ang dami daw gwapo dun sa HUMSS na section." sabi ni Maica na may halung kilig at hampas pa kay grace kaya balik rin sa kanya ang tingin ko.
" That's right i saw rin kanina kasi dumaan ako dun, There are so many handsome guys dapat pala nag HUMSS nalang ako". - Paliwanag naman ni grace na may panghihinayang.
" Oh! talaga ba sayang, mali ata talaga ang desisyon ko na sumunood sa inyo rito dapat pala ng sa HUMSS nalang talaga ako". - Sabi ko na may halong pagbibiro.
" Wow naman! first day of school yan na agad ang topic nyo umagang umaga ha, kung gwapo lang naman pala ang hanap nyo dapat hindi kayo rito sa school pumasok dapat dun sa bar marami dun." - Wika ni Hanna sabay baba ng phone nya.
" Oh talaga ba?? asus pasalamat ka at may boyfriend kana kasi kung wala ikaw siguro ang unang nag-aya na mag HUMSS tayo. Kilala ka namin ouyy." - Sagot naman ni maica sa kanya.
"Oh My Ghad! Your right maica I agree with you." - kampi naman ni grace sa kanya.
" Huy ano ba kayo wag nyo na ngang pagtulongan yan si Hanna kawawa naman." - Sabi ko sabay tapik ng balikat ni Hanna
" Pero alam nyo kahit may Boyfriend yan pagnakakakita yan ng gwapo nako! nakakalimutan nya na may boyfriend sya at grabe kung makatitig bhe parang pati talaga kaluluwa nakikita na nya." - wika ko naman sabay tawa kaya nakitawa narin ang dawala.
" Huy! kung makapag salita kayo ahh parang hindi kayo ganyan parehas lang tayong apat oyyy kaya nga naging mga kaibigan tayo diba? pero atleast ako may boyfriend ehh kayo meron ba? o diba wla." - Sagot naman ni Hanna na may halong pag mamalaki.
" Why naman so pikon girl it's just a joke okay." - sabat naman ni grace habang tawa ng tawa.
Natigil lang kami sa kakatawa ng pumasok na ang isang babae na medyo matanda na. Siguro sya ang magiging bagong aming guro sa semester nato.