bc

Dayo (LM’s POV) (Completed)

book_age18+
814
FOLLOW
2.8K
READ
goodgirl
sweet
lighthearted
like
intro-logo
Blurb

Pasensya na po sa mga grammatical error and typos, sinulat kopa to year 2018. Reposting lang since sayang din naman. Enjoy reading.

Male POV, hindi ako sigurado kung perfect na iyan pero try lang din.

chap-preview
Free preview
1
"Kuya Fred, ito po... Meryenda." sabay abot ni Lotti ng nakasupot na softdrinks at may kasamang turon na nakabalot sa balat ng paper bag. Alas tres na pala, hindi ko man lang namalayan. Dagsaan na naman ang mga customers ngayong araw, fully booked din ang listahan ng mga nagpapareserve para sa check-ups. Sa tingin ko, aabutin hanggang sa susunod na buwan ang mga tatrabahuin sa talyer sa dami nito. Pero dagdag kita rin. "Lotti, may nahanap ka na ba?" natanong ko nang maalalang aalis na nga pala si Lotti papuntang Japan next month. Kailangan ko ng panibagong kahera, sa hirap ng buhay ngayon at sa liit ng mga populasyong naghahanap ng mga ganitong klasi ng trabaho, sa tingin ko matatagalan din bago ako makahanap ng pamalit. Mas mabuti sana kung may rekomindasyon ni Lotti nang sa gano'n hindi naman time consuming sa interview at pagkilatis. "Ay opo! Kaso bukas pa po iyon pupunta rito. May inasikaso lang sandali. Mukhang mabait naman yun Sir! Ka-boardmates ko po kasi." Napatingin ako sa kanya. Matagal-tagal ding nagtrabaho sa akin si Lotti, tumaas naman ang sweldo niyang mula sa 6,000 ay naging 10,000 lalo na ngayong malaki ang kita ng Talyer. Ngunit diyata't tulad din ng iba, may malaking pangangailangan din siya sa buhay lalo na sabi niya noon sa akin na siya raw ang nagpapaaral sa dalawa niyang kapatid. Dagdagan pa ng mga magulang niyang may sakit. Hindi sasapat iyon kahit na sabihing minsan nagkakatips naman siya sa mga mababait na customers. Hindi pa kasali ang quarterly na bonus. Mas malaki nga naman ang kita sa ibang bansa. Naiintindihan ko. Nakakapanghinayang lang. "O sige, sabihin mong maghanda siya ng kahit resume na lang. At magdala rin kamo ng birth certificate at kahit isang valid ID na lang. Alam mo namang ayaw ko ng nauuto at baka mamaya niyan menor de edad pala iyan." Humalakhak ito at tinapik ako sa balikat. Napatingin ako sa tapat namin na may nakagaraheng sasakyan na papaayos na naman. Kunting kumpuni na lang at pwede na itong kunin ng may-ari bukas. "Di... 18 na kasi yun. Tubong Tarlac, at Kuya----" nagtataas kilay'ng tawag nito sa pansin ko. Nagtaka naman ako sa inaasal niya ngayon. "Maganda, pang-beauty Queen. Pero syempre asahan mo nang hindi pwede sa ganoon kasi di pa nakakapagtapos ng pag-aaral. Pero sabi naman no'n mag-aaral daw ulit kapag nakapag-ipon. Kaka-graduate niya lang raw ng highschool last year. Pero I'm telling you Kuya, sobrang ganda talaga. Baka maglaway yang mga tauhan mo. Pati... Ikaw." Natawa ako sa sinabi niya. Mas maganda pa ba sa mga nakakasalamuha ko sa Casino? "E di mas mabuti nang sa gano'n humatak pa lalo ng customers." Humalakhak itong lalo bago sumimsim ng straw ng kanyang coke. Tuloy, nabulunan kaya ako na naman ang natawa. Tinapik ko sa baga nang sa gano'n ay makahinga. "Good luck Kuya! Talagang hahatak yan ng customers. Baka umiyak kayo sa dami ng mga pipila diyan sa labas." Napailing na lang ako. Tingnan natin kung totoo nga. "Siya Kuya, mukhang may magbabayad na naman." sabay naming pinanood ang dalawang lalaking papalapit sa kahera. Mukha nga. Tumayo na rin siya ng tuwid at naglakad pabalik sa kanyang pwesto. Ako naman, inubos ko ang softdrinks at turon bago itinapon ang pinagbalatan nito sa katabing basurahan. Balik na naman sa pagkukumpuni. Lagpas alas syete na kaming lahat natapos. Nitong mga nakaraang araw, laging gabi na kaming natatapos. Kailangan na talagang matapos 'to para sa gano'n makahinga naman ang mga tauhan ko sa susunod na araw o buwan. Hindi pwedeng laging napapagod ang mga 'to at baka maghanap ng iba. Kahit sabihin pa nating malaki naman ang mga pa-sweldo ko sa kanila. "Boss, uwi na po kami!" paalam ng tatlong baguhang mekaniko. Napatango ako't hinayaan silang lumabas sa adjacent door na nakakonekta sa aking malaking gate. Apat na lang kaming narito. Si Lotti na nagbibilang ng total na kita ngayong araw. Sina Joseff at Aldo na naliligo sa common bathroom ng talyer ko. Nilingon ko si Lotti na ngayo'y mukhang papatapos naman na. Ipinatong ko ang siko sa itaas ng kanyang counter. Napabuntong hininga na lamang ako kaya naagaw ko ang pansin niya roon. "Naks! Hinayang na hinayang ka sa akin Kuya, a?!" biro niya. Napangiti na lang ako. Nakakapanghinayang nga naman talaga. Sa akin na ito nagtrabaho mula no'ng nag-aral siya sa College. Ngayong nakapagtapos na ay mukhang kailangan ko na talagang pakawalan. Medyo napalapit na rin sa akin itong batang 'to. Madaldal at nakakaaliw talaga. "Pero Kuya, kung mapagtapos ko na ang mga kapatid ko pwede bang bumalik dito?" nalulungkot na tanong niya. Napangiti naman ako roon pero biniro ko pa rin. "Maliban na lang kung makakahanap ako ng ipampapalit sa'yo sa buhay ko." nakangising saad ko, napasimangot tuloy siya kaya tinawanan ko't ginulo ang buhok niya. Namilog ang mga niyang natulala sa mga kamay ko. Patay. Lalo akong natawa dahil sa reyalisasyon. "Kuya naman! Naghugas man lang sana kayo, 'no?" nakabusangot na sigaw nito. Noon naman dumating ang dalawang chief mechanics ko. "Bakit di na lang kayo, ha, Boss?" tukso ni Aldo. Napailing na lang ako. Imposible. "Ha? No way na lang! E ang balahura niyang Boss niyo, di man lang naghugas ng kamay bago ginulo ang buhok ko. Eww!" Nagtawanan ang dalawang mekanikong matagal na ring nagtatrabaho sa akin. Mas matagal pa kesa kay Lotti. Maya-maya'y nagpaalam na ang dalawa dahil paniguradong pinaghahanap na sila ngayon ng kanilang mga kumander sa buhay. Si Lotti naman ay nilagay na sa makapal na plastic cellophane ang mga pera. Sabay ni-lock ko ang adjacent door sa aking talyer. Sinigurado ko namang walang pwedeng paglusutan ang mga magnanakaw kung sakali. "Pero Kuya, sobrang mamimiss po kita. Sa sobrang bait niyo po mahirap kayong kalimutan." maya'y drama ni Lotti nang papasok kami sa connecting door patungong looban ng aking bahay. Napatingin ako sa kanya at kita ko ngang nalulungkot siya. Mukhang tulad ko, nanghihinayang din siya pero ano pa bang magagawa namin doon kung ang mundong inaapakan natin ngayon ay pinapatakbo na lamang ng pera? "Hayaan mo, kapag napagtapos mo ang mga kapatid mo pwede ka pa namang bumalik dito." Noon naman umaliwalas ang mukha niya, at tumango na para bang pinipilit niya ang kanyang sarili na magiging okay din ang lahat. Kinuha ko na lang sa ibabaw ng ref ang susi ng aking sasakyan. At naghugas na rin ng kamay sa lababo. Pagkatapos ay sabay kaming umakyat ni Lotti at binuksan ang secret passage sa ibaba ng altar para sa paglalagyang bolt ng mga kita. Pagkatapos ay sabay na kaming bumaba para maihatid ko siya sa pinagkakatuluyan niya ngayon. "Kuya! Tutal ihahatid niyo naman po ako ngayon, pwede niyo naman sigurong kilatisin yung boardmate ko na ipampapalit natin sa akin." biglang naalala niyang sabihin pagkaliko namin sa isang street na madilim. "Pwede naman, basta hindi lang tayo nakakaistorbo. Baka mamaya niyan tulog na pala iyon." "Sigurado akong gising pa yun ng mga ganitong oras. O siguro nga kakauwi pa lang. Okay. Itetext ko muna." Nasilip kong yumuko siya para itext ang sinasabi niyang ipapalit namin sa kanya. Tatlong kanto na lang, at nandoon na kami. Naisip ko, sa ilang beses na inihatid ko si Lotti tuwing ginagabi ay ngayon ko pa lang makikita itong tinutukoy niya. Ngayon lang ba talaga? Baka nakasalubong ko na noon, hindi ko lang napansin. Pero imposible kung ganitong nasabi ni Lotti na pang-Beauty Queen ang ganda noon. Maliban na lang kung nagkukulong o kaya'y bagong salta pa lamang. "Taga-Tarlac di'ba iyan, Lotti?" "Opo... Bakit po?" "Matagal na bang nangungupahan yan sa inyo? Mukhang sa sunod-sunod na gabing inihahatid kita hindi ko naman nakikita." nagtatakang sabi ko. "Ikalawang gabi niya ngayon bilang isa sa mga boarders ni Ate Melai. Kalilipat niyang lang kahapon, pero mukhang mabait naman. Nakakausap kasi namin." sagot nito. Nakontento na lang ako doon sa kwento niya bago ko iginarahe sa labas ng trangkahan ang sasakyan ko. Hindi tulad noon, isinama ako ngayon ni Lotti sa loob. Una kong nakita ay si Rose na nakapanlakad at mukhang may lalakarin. Mukha ring nagmamadali. Ngunit noong dumaan kami sa tapat ng nirerentahan niyang silid, tila natigilan siya. "Oh Gosh! Hi, Frederico! Good evening!" Nakangiting bati nito. Ganoon din ang iginanti ko sa kanya. At sa hindi malamang dahilan, umasim ang mukha nito na para bang may nakitang hindi kaaya-aya. Naputol lang noong hinila na ako ni Lotti paliko sa isang pasilyong tanaw ang dilim sa paligid. Box type ang mga bahay roon, may tatlong pintuan sa bawat isang bahay. Ang silid ni Lotti ay nakapwesto sa ikatlo at pinakadulo kaya may mga pasilyong kailangang daanan. Tumigil kami sa tapat ng kanyang silid na may double screen door. Nilingon ko ang kabilang silid na bukas ang ikalawang pintuan, kaya tanaw na tanaw ang looban. Nakita kong parang pinag-isa ang sala sa kwarto at kusina. Hindi kalakihan iyon, tulad ng silid ni Lotti. Sa tingin ko, ang CR lang ang naiiba doon. "Papailawin ko lang ang kwarto Kuya bago tayo kumatok sa kabila." Paalam ni Lotti. Tiningnan ko siya at hinayaan ang gawin ang trabaho. Lumingon naman ako sa kabila at ganoon na lang ang pagkagimbal ko nang may lumabas na babaeng hindi ko alam kung alam ba niyang nakikita ang kung anumang nasa loob mula rito sa labas? Bakit kaya lumabas ito nang nakamaiksing tuwalya at nakabalabal na tuwalya sa buhok lamang? Narinig ko ang pagkakabukas ng pintuan at pagkakatulak ni Lotti doon. Alam ko nang nakapasok na siya ngunit hindi ko magawang humiwalay sa pagkakatitig ko roon sa babae. Sa sinag ng ilaw, una kong napansin ay ang kulay ng kanyang balat. Malabanos sa kaputian. Mahaba ang kanyang mga hita't binti. Medyo may kapayatan ngunit sa tingin ko ay tama lang iyon sa proportion ng kanyang katawan. Napahinga ako ng malalim. At tumingala sa bubong na nagsisilbing silong bago napapikit at mabilis na nagbilang ng sampo! Tangina! Ibang epekto sa akin! Nagpapasalamat na lamang ako noong pagkatingin ko ulit doon ay wala na ang babae. Noon naman lumabas si Lotti na nakangiting malapad sa akin. "Tara!" Aya nito at naglakad sa kabilang silid. Halos mapamura naman ako no'ng sa pintong yun mismong tumapat si Lotti kung saan may nasaksihan ako kanina. Gusto ko sanang umangal at sabihing nagbibihis pa iyong babae pero magtataka naman siya. Kaya mas pinili kong tumahimik at hintayin ang kung anumang mangyayari. Kinakabahan pa rin ako pero kaya ko namang kontrolin ang kung anumang nangyayari sa akin. "Cley?" Sa unang tawag pa lang ni Lotti, may humahangos ng babaeng, pinagsasalamat ko na nakadamit na nang matino. Ngunit sadyang agaw pansin sa akin ang maliit niyang mukhang kasing inosente ng isang batang musmos. Mas matangkad, seksi, matangos at klarong detalyado lamang ang mukha nito. Tama nga si Lotti, mala-Beauty Queen. Tumunog ang screen door pagkahila nito. Mas iba ang dating niya sa malapitan, natigil ang paghinga ko dahil sa mukha niyang bumungad sa amin. Basa ang kanyang buhok na ang haba ay abot hanggang puno ng kanyang mga hita. Medyo kulot-kulot ang kanyang buhok. Pinong itim iyon. Bagay sa kutis niyang mala-labanos. Ganoon din ang mukha niyang maliit. Matangos ang ilong at may kasingkitan ang kanyang mga mata. Mukha siyang Koreana na may halong Filipina'ng moderna na pwedeng isali sa Binibining Pilipinas. "Good Evening Ate Lotti, bakit po?" Naging bulong ang tanong nito ng dumapo ang kanyang may kasingkitang mga mata sa akin. Napansin kong para siyang natigilan at nanginig ng kaunti. Walang sinumang makakapansin noon kung hindi mo gaanong pakatitigan. Swerte kong naagaw niya agad ang pansin ko kaya kuting kibot lang ay agad kong napapansin iyon. "Good evening din Cley!" Natutuwang balik bati ni Lotti. Napatingin ako sa kanya, para lang makaiwas sa titigan naming dalawa. "Bakit po?" Ulit nito. "Ah! Siya nga pala. Ito si Kuya Frederico Galvez. Yung sinasabi kong may-ari ng Talyer na pinagtatrabahuan ko? Nasabi mong naghahanap ka ng mapapasukan, at nasabi mo ring susubukan mo sa kanya bukas. At ito na, kami na mismo ang nagdala sa kanya rito." Nagagalak na sabi ni Lotti. Napangiti ako't sinubukang makipagtitigan sa kanya. Medyo nabigla ako noong ngumiti siyang labas ang mga pantay-pantay at mapuputing ngipin. Siya ang naunang naglahad ng kamay kaya ako ang tumanggap. "I'm Clea Fleur Radaza po." Pagpapakilala nito. Maliban sa pangalan niyang nagpaagaw ng aking pansin, halos tayuan naman ako ng maramdaman ang kamay niyang kasing lambot ng unan. Tangina! Mali!

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MAKE ME PREGNANT (TAGALOG R18+ STORY)

read
1.9M
bc

The Ex-wife

read
232.2K
bc

The Cold-hearted Beast -SPG-

read
57.1K
bc

The Ruthless Billionaire. Hanz Andrew Dux

read
78.0K
bc

KIDNAPPED BY THE HOT UNCLE

read
53.8K
bc

Hate You But I love You

read
63.0K
bc

NINANG PATRIZ (SPG)

read
24.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook