"Good morning po." seryosong bati nito.
Ilang segundo pa akong hindi nakaimik. Bago siya sinagot,
"Good morning din, Clea. Saan ka?"
"Magsisimba po."
Magsisimba... Pwede bang sabay na lang kami? Gusto ko siyang makasama. Ayaw ko nang ganito na parang noong isang araw lang ay hindi kami nag-uusap at hindi naging close kahit sandali. Nakakamiss pala... Kahit isang araw pa lang ang lumipas. At ang bilis ng mga pangyayari. Hindi ko akalain na bibilis ang t***k ng puso ko ng dahil sa batang 'to. At ang bilis din ng pagkakataon na aaminin ko sa sarili kong gusto ko siya.
Gusto ko nga.
Kahit mali. Kahit na binakuran ko noon ang sariling wag magkagusto sa batang 'to. Wala ring nagawa. Nahulog ako. At paniguradong pag nalaman niya, sasama ang loob nito.
"Magsisimba rin ako, sumabay ka na lang." mahinahon kong aya sa kanya.
Iiling na sana ito kaya lang inunahan ko na.
"Ihahatid kita... Pero----" napahinga ako.
"---- pwede naman tayong maghiwalay doon."
Nahuli kong medyo umawang ang labi niya.
"Ah..." nagkamot ito ng kilay, parang nag-iisip kung oo ba o tatanggihan ako. Sana umoo. Kahit ngayon lang. Hindi niya ako pinatulog nang maayos kagabi, dahil sa kaiisip ko kung paano ko iaayos ang tiwala niya sa akin.
"O-okay po." tango nito saka umiwas.
Napangiti ako ng lihim.
"Sandali lang ako, ibibigay ko lang kay Lotti 'to." sabay taas ko ng envelope. Kaya nagmamadali rin akong kumatok sa nakasarang pintuan ni Lotti. Mabilis din namang nagbukas.
Bagong gising ito kaya magulo ang buhok at medyo nakapikit pa ang kanyang mga mata.
"Good morning! Ito na ang sweldo't bonus mo Lotti."
"Oh... Good morning din Kuya." ngiti nito, na medyo namumutla pa. Napangiti lang din ako at nilagay sa kamay niya yung bonus at sweldo.
"Alis na ako. Magsisimba pa."
Tumango naman ito kaya tumalikod na ako ngunit agad din naman akong pumihit pabalik. May nakalimutan akong sabihin.
"Mag-ingat ka." ngumiti ito.
Noon ko naman sinulyapan si Clea na seryosong nakatingin dito. Naninibago ako pagkat kahit nahuli niya na akong nakatingin, ayaw niya pa rin akong bigyan ng ngiti. Talagang may pagitan na... Wala pa akong magagawa para diyan sa ngayon. Pero marami pang pagkakataon.
"Tayo na." aya ko. Tumango ito ng isang beses bago sumunod sa akin.
Kahit sa gitna ng byahe, walang nag-imikan. Ayaw ko namang pangunahan siya at baka biglang bumigay. Ayaw ko rin namang maging masama na naman ang sitwasyon. At lalong ayaw kong umiiyak siya.
Mas mabuting ganito na muna.
Pagka-garahe ng sasakyan sa parking lot ng simbahan, hindi niya na ako hinintay na pagbuksan siya. Siya na mismo ang gumawa. Bumuntong hininga na lang habang tinititigan ang galaw niyang patungo sa gutter. Akala ko iiwan ako.
Pinatay ko ang engine ng sasakyan at hinila ang susi mula sa ignition tsaka bumaba. Tinitigan ko pa siya mula sa bubong ng sasakyan, na noo'y ayaw talagang tumingin sa akin. Talagang iniiwasan na ako.
"Tayo na. Ano... Sa loob na tayo magkanya-kanya."
Labag man sa aking loob na humiwalay sa kanya. Wala namam akong magagawa roon... Madali lang sabihing meron ngunit ayaw ko namang isaalang-alang ang kanyang mararamdaman.
Pagkasawsaw ng aking mga daliri sa holy water, at hindi sinasadyang kumiskis iyon sa kanya ring daliri, natauhan ako. Lalo na't parang nandidiri itong agad na binawi ang kanyang daliring nandoon. Hindi ko alam kung anong dapat na maramdaman. Sadyang naubusan na ako ng mga iisipin dahil sa loob ng ilang oras, tanging ang kanyang nararamdaman lamang ang aking inaalala. Ito na yata ang epekto ng pagkakagusto ko sa kanya.
"Ano... Una na po ako." palipat-lipat ang mga mata nito, walang klarong direksyon. Iniiwasan na naman ako. Aminin ko man o hindi, parang ice pick na paulit-ulit akong inuundayan ng saksak. Parang sobra pa yata sa basted 'to. At hindi ko inakalang paulit-ulit din akong matatauhan. Na ayaw niya. Na wala na siyang tiwala sa akin. Ganoon ba?
"Ah----"
Napabuntong-hininga na lang ako noong nakita siyang naglalakad papasok sa simbahan.
"Iho, girlfriend mo ba iyon?"
Tanong ng garalgal na boses, na siya ring nagpahiwalay sa aking mga mata kay Clea.
"Hi----"
"Mukhang bata pa, kaya ganoon. Nagtatampo. Suyuin mo na lang nang sa ganoon magkaayos na kayo. Bagay pa naman kayo. Siguradong maganda o kaya'y gwapo iyong magiging anak niyo sa susunod. Mukha ring pareho kayong mabait. Kulang yata sa suyo iyon kaya nagkakaganoon. Naku, iho! Sa panahon ngayon, di na uso ang pabebe... Lalaki ka pa naman, kaya dapat alam mo kung paanong sumuyo ng isang babaeng nagtatampo." ngiti ng matanda at walang lingong-likod na pumasok din ito ng simbahan.
Suyo? Hindi ko naman girlfriend si Clea. Pero gagawin ko pa rin yong suyo na sinasabi ng matanda. Nasa plano ko na iyon. Wala nga lang konkretong simula. Maliban na lang kung mapapayag ko siya mamaya. Linggo naman, kaya siguro pwede.
Inispatan ko si Clea na nakaupo malapit sa unahan. May kasam itong mga matatanda, napanatag ako roon pagkat alam kong hindi siya mapagsasamantalahan.
Tinuunan ko na lang ng pansin ang misa, ngunit kada oras ay nililingon ko rin si Clea sa takot na baka maiwala ko siya.
At nang natapos ay agad akong nakipagbuno sa mga taong papalabas para lang maabutan ko si Clea sa unahan. At nagkataon na patungo rin siya rito upang lumabas. At mukhang aatras pa noong nakita ako.
Hindi ko pinayagan, pagkat ito lang ang natatanging paraan na nakikita ko sa ngayon. Kung gusto kong magkaayos kami, dapat businessman, take risk.
"Clea." tawag ko.
Nanlaki ang mga mata nito at parang gusto pa yatang tumakbo paalis. Pinigilan ko sa braso at mukhang nagkamali na naman ako. Sapagkat ramdam ko ang panginginig niya. Nabitawan ko siya.
"B-b-bakit po?" nanginginig na tanong nito habang hinihimas ang brasong hinawakan ko kanina. Napalunol ako! Tangina! Mali! Mas lalo ko yatang natakot.
"Kakain ako sa labas... Samahan mo'ko." mahinang wika ko. Hindi naman utos iyon, ngunit hindi rin patanong. Pero desperado akong makasama siya. Kahit man lang may mapatunayan ako.
"E-e----"
"Please?" sa dalang na ginagamit ko ang salitang 'to, noon ko lang napagtanto ang tunay na kahulugan nito. Sana... Sana...
"O---- okay po."
Napangiti ako roon.
Hindi ko na ulit binalak na hawakan siya, sinundan ko na lang ang paglalakad niya palabas ng simbahan. Upang kahit sa ganoong paraan alam kong makakasama ko siya nang hindi nag-aalala na baka maiwala ko.
Mas nauna lang ako ng kaunti sa kanya ng nasa bulwagan na kami... Para ipagbukas siya ng pintuan ng sasakyan ko.
Halos walang pagkakataon na natitigilan ito sa tuwing may nagagawa ako. Nakakaramdam ako ng takot, ngunit kung puro takot na lang paano ko mababawi lahat ng iniisip niya tungkol sa akin? Paano ko maiwawala lahat ng takot niya? Kailangan kong ipakitang hindi ako ganoon. At kailangan ko ring isaalang-alang ang kanyang nararamdaman.
"S-saan po tayo?" tanong niya sa kalagitnaan ng byahe.
Halos mapatalon ako sa bigla. Hindi ko akalain... Na magbubukas siya ng usapin kahit hindi naman isang usapan yun na may topic. Masaya pa rin ako.
"Sa pinakamalapit na Mall lang." sagot ko, nakatuon pa rin sa harapan ang pansin. Ayaw ko munang tingnan ang reaksyon niya.
"Ah. Okay po." sagot nito sa mas mahinang boses. Napahinga ako, yung hingang hindi niya maririnig.
Naging mabilis din ang byahe dahil malapit lang naman iyon sa Simbahan. Hindi ko hinayaang pagbuksan niya ang kanyang sarili pagkat ako na ang umikot at gumawa no'n para sa kanya.
Napatingala siya, sa hindi ko malamang dahilan, mukhang nagtataka o kung ano. Hindi ko alam. Sa mga oras na 'to, parang kay hirap niya nang basahin.
Pagkababa sabay kaming naglakad sa tabi ng mall. Maliit lang na Mall iyon kaya nasa labas ang parking. Ngunit desinte naman.
Sabay kaming naglalakad, pinapakiramdaman ko naman ang kanyang presensya. Na noo'y medyo nakayuko kaya di ko gaanong napapansin ang mga reaksyon niya. Hinayaan ko na lang.
Sa entrance ng magsalita ako tungkol sa isang restaurant na kakainan namin. Italian restaurant.
"Okay lang ba na sa Le Vousz tayo kakain?" tanong ko.
"H-ha?" noon naman siya tumingala. Natutuwa ako kapag naaagaw ko ang atensyon niya kahit sa pamamagitan lang noon. Kahit kaunti, tinitiis ko na lang na ganito.
"Isang Italian restaurant. Kumakain ka ba ng pasta?" nakangiting tanong ko.
Mas lalo pang natuwa ang loob ko nang nakitang may kaunting pamumula sa kanyang mga pisngi. Achievement na yata. Napapangiti na ako, nagpipigil na lang.
"O-opo. Oo naman po!" hinahapong sagot nito. Halos pasigaw na.
Gusto kong matawa kaya lang ayaw ko namang umabot sa punto na biglang sumama ang loob nito. Magpipigil na lang muna ako. Kahit ngayon lang.
Pagkaakyat sa escalator lumiko ako sa kaliwa. At hindi ko napansing naiwan ko pala siya kaya binalikan ko muna at... Nagbaka-sakaling hawakan siya sa kamay. Bahagyang nanigas ito. Napalunok naman ako. Mali na naman ba? Tangina! Sunod-sunod na pagkakamali na ito, a?
Pero naglakas-loob pa rin akong i-pusta ang pagkakataon.
"Okay lang ba? Baka maiwala kita?" Pucha! Ang lame ng pagkakarason ko roon!
"A-ah... U-uhm... O-o-okay po." kandautal na sagot nito.
Hindi ako ngumiti, ngunit sa loob-loob ko halos mapunit na yung labi ko sa kakangiti. Malambot ang kanyang kamay, parang sa cotton. Nakakahalina rin. At masarap ang kapit ng kanyang mga mapapayat at mahahabang daliri sa aking malaki at magaspang na kamay. At sa sobrang tuwa ko na ganoon ang nangyayari humigpit ang kapit ko sa kanyang kamay, na agad niyang naramdaman. Ngunit hindi naman ito nanigas, mukhang nagtataka lang. Nginitian ko na lang at nanlaki ang mga mata niya. Agad na nabura ang ngiti ko sa labi.
Babawiin ko na sana ang aking kamay dahil baka nagagalit na at ayaw lang magsabi. Kaya lang laking tuwa ko nang kumapit siya sa kamay ko at yumuko. At di rin nakaigtas sa aking paninitig ang pagdaloy ng pamumula mula sa kanyang tenga patungong mga pisngi. Halos magpunyagi ang loob ko. At sa sobrang tuwa hinigit ko na siya patungong restaurant na tinutukoy ko.
Medyo nalungkot ako noong binitawan ang kanyang kamay upang makaupo siya sa kabilang bahagi ng mesa, at ako naman sa kabila. Pwede naman siguro mamaya na naman?
"Saan ka mahilig? Sa matamis o maalat?" tanong ko habang nagbo-browseng mga pasta'ng nandoon.
"S-sweet po." sagot nito.
Nakagat ko ang aking labi. Ni kahit kailan, hindi pa ako... Kinilig ng ganito! Tangina! Nakakabakla naman! Ngunit hindi ko naman mapigilan.
Wala pa siyang ginagawa niyan, ngunit bolta-boltaheng pakiramdam na ang kanyang binibigay sa akin. Wala rin akong pakialam kung mabilis ang mga pangyayari. Wala rin akong pakialam kung mabilis na nahulog ang loob ko sa kanya. At wala rin akong pakialam kung nasa magkaibang pahina kami ng libro ng pag-ibig. Maraming pagkakataon. Papatunayan ko namang gusto ko siya.
Habang kumakain. Hindi ko napigilang titigan siya. Pagkat talagang nakakaakit nga naman ang batang 'to. Hindi rin lingid sa aking kaalaman na pinagtitinginan na naman siya. Wala akong pakialam doon. Ako naman ang kasama.
Sa pagsubo niya ng pasta, halos sundan ko ang dulo no'n na kagat ng kanyang manipis na labi. Nagtaka ako, kung bakit namumula ang labi nito. Tinutukoy ko pa kung may lipstick. Na naalala ko naman yung halik. Walang lipstick. Natural na mapula ang kanyang labi. Napaka-unusual sa panahon ngayon.
Ipinilig ko na lamang ang aking ulo para maiwala ko itong iniisip ko. Napapalunok ako pagkat ayaw namang lubayan ng pag-iisip ko iyong halik kahapon. Nakakamiss pala.
Natawa naman ako roon kaya pinagpatuloy ko na lang pagkain sa takot na baka maibulalas ko at matakot ko na naman si Clea. Ayaw ko nang ganoon. Ayaw ko nang nakikita siyang umiiyak. Na para bang nakakatakot talaga ako.
"S-sir..." tawag niya sa pansin ko. Tapos na akong kumain, at umiinom na lang ng naturalesang lemon juice ng restaurant.
"Hm?" nagtaas ako ng tingin. Na noo'y nagkatagpo nga ang aming mga mata. Medyo natigilan ako roon.
"Kailan po Birthday niyo?" tanong niya, na ipinagtataka ko. Bakit? Bakit kaya?
"Sa May 5."
Ngumiti ito, ngunit malungkot. Nabahala naman ako roon. Bakit? Hindi ko maintindihan.
"May ireregalo po ako sa inyo." ngiti nitong hindi abot sa kanyang mga mata. Nabahala naman ako.
"Hindi mo naman obli-----"
"Basta po! Matutuwa kayo rito!" ngiti nito.
Napahinga na lang ako. Hindi ko kailangan yun. Ang kailangan ko ay siya.