Krymo Tunay na kirot sa dibdib ang namayani sa akin dahil sa naging pasya ni Scarlett. Hindi ko maunawaan kung bakit hindi niya magawang makuha ang punto ko. Kung bakit hindi na lamang siya sumama sa 'kin? Nais ko lang naman makasama siya at gugulin ang natitirang oras kasama siya. Nauunawaan ko ang aking responsibilidad dito sa Kaharian at kailanma'y 'di ako nakalimot. Kaya't napakasakit dahil hindi ko akalaing sa kabila ng ginawa ko'y 'di niya ako kayang pipiliin? Ngunit bakit? Bakit tila ang kapalaran namin ay hindi sang-ayon? Hindi ko tuloy maiwasang isipin na baka pati ang damdamin niya ay puro kasinungalingan din. Paano kung ang tunay niya pa lang iniibig ay hindi na ako? Paano kung nalipat na ito sa unang Hari? Mula nang magkita kaming muli ay wala na siyang ibang inuna kung hindi

