King Dylan Isang kakila-kilabot ang balitang ipinabatid sa 'min ni Hariat kahit pa ang ilan sa mga 'yon ay alam na namin. Pilit ko man na itatak sa isip ko na malalampasan din ang lahat ay alam ko sa 'king sarili na hindi magiging madali ang sunod na kaganapan. Mahirap dayain ang damdamin dahil hindi nito kayang magsinungaling, na kahit sabihin kong kaya ko ay ramdam ko sa 'king sarili na hindi madali. At masasabi kong hindi ako mapakali ngayon kaiisip kung saan maaaring magsimula. "Hindi na tayo maaaring magpakampante pa, Spencer. Sunod-sunod na ang mga nangyayari. Ang masamang pangitain ni Hariat kailanman ay hindi nagkamali kaya't mabuting mapanatili natin ang paghahanda," tugon ko sa 'king kapatid na ngayon ay nababahala na rin sa sinabi ni Hariat. "Tama ka, Kamahalan. Huwag kang ma

