[King Dylan's Point of View] Sinimulan na niyang buklatin ang pahina at doon ay bumungad ang mga nilalang na hindi ako pamilyar. Ang mga babaeng nakasuot ng bestidang itim o 'di kaya ay may belong itim sa ulo ay ay tinatawag na Silviana. Sila ang mga nilalang na pare-pareho lamang ang mukha't hindi nagsasalita. Kung titingnan ay para lamang silang mahihina ngunit hindi dahil sa oras kalabanin sila'y ngipin ang kanilang panangga. Higit pa sa bampira at lobo ang kanilang pagkatao, sapagkat sa oras na makagat ka nila ay kaagad kakalat ang lason sa 'yong dugo at ikahihina ito ng iyong katawan. Maaari mo rin itong kamatay kung hindi mo ito kayanin. Ang sunod na pahina ay ang mga Valirio. Sila ay matataba at matatangkad na may pulang mata. Mabagal ang kilos ng mga ito ngunit ang anumang bagay

