CHAPTER 22. Invasion

1650 Words

King Dylan "Ibig sabihin ay makasarili si Samara noon pa man sa ikalawang propesiya ay lumabas ang tunay niyang pagkatao," inis na sambit ni Spencer habang ako ay nanatiling tikom. Bakit kahit nasaksihan ko na ang mga nakaraan sa pagitan naming dalawa ay hindi ko pa rin magawang magalit ng husto sa kaniya? Bakit ngayong nalaman ko na nagmahalan kami noon ay para bang gusto ko siyang makita. Gusto ko siyang ibalik sa 'kin. Awtomatikong sumara ang kamao ko nang maisip na baka ginagamit uli ni Federico si Samara. "Hindi kaya planado lang ni Federico ang pananatili rito ni Samara? Hanggang ngayon ay hindi malinaw sa 'kin. Paano naman nangyari na ang nagtataglay ng pinaka-mapanganib na kapangyarihan ay taga-Gusio? Sa tinagal-tagal ng pamumuhay ko rito ay buong akala namin na taga-Haleia

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD