CHAPTER 23. Undine

1115 Words

King Dylan Hindi maipinta ang galit sa mukha ni Samara. Na saan ang dating Samara na kilala ko? Habang pinagmamasdan ko ang mga mata niyang nanlilisik ay bigla na lamang kumislap ang kulay pula kong kwintas kasabay ng biglang pagkirot ng aking dibdib. Maya-maya lang ay muli kong nasilayan ang ginawa niya noon sa Siberian. Magkahawak ang dalawa niyang kamay habang nakadikit ito sa kaniyang dibdib. Dahan-dahan siyang umaangat at nagpaikot-ikot sa ere hanggang sa ang kamay nito'y unti-unti nang maghiwalay. Pagkatapos ay ibinagsak niya ang kaniyang sarili sa lupa kaya't dumagundong ang buong paligid. Sa halip na umiwas ay hindi ako nagpatinag sapagkat nanatili ako sa kinatatayuan ko. Ang itim na usok ay tatama na sa 'kin ngunit isang mabilis na pwersa ang humila sa 'kin dahil para mapadpad

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD