King Dylan Mag-isa kong binabaybay ang daanan patungong Miseah. Walang sinomang nilalang ang makikitang palakad-lakad dito. Payapa ang paligid, iyong tipong 'di mo nanaisin pang pumaroon sa ibang lugar dahil napakasarap damhin ng kapayapaan. Habang naglalakad mag-isa ay hindi ko maiwasang mapaisip na sana ay matapos na ang delubyo kahit masakit ang katotohanan. Masakit ang katotohanang nagsisimula pa lamang ang lahat. Hindi ko tuloy maatim isipin na sa darating na laban ay maraming buhay ang masasawi, at maraming nilalang ang magsasakripisyo. Gano'n talaga ang kahihinatnan, sa ayaw at sa gusto ay hindi lahat ng nilalang sa loob ng Haleia ay mananatiling may buhay sapagkat sa pakikipagdigmaan ay kailangan sumugal. Dugo man ay dumanak. Buhay man ay mawakasan. Scarlett Kasalukuyan akong

