King Dylan Sa isang malawak na daanan na napapaligiran ng samu't saring bulaklak habang sumasalubong ang preskong hangin, kami ay taimtim na naglalakabay ni Scarlet. Ang tanging maririnig ay ang huni ng mga ibon at pag-alon ng ilog. Sa madaling salita ay tunog ng kalikasan ang siyang sumasalubong sa amin. Bawat hakbang ay may katumbas na kahilingan na sana'y ganito rin palagi ang Kaharian ng Haleia. Walang anuman kaguluhan at ingay mula sa kalaban, at walang hindi kaaya-aya sa paningin. Sa bawat daraanan namin ni Scarlett ay hindi namin maiwasang mamangha kahit pa hindi ito ang unang beses na marating namin itong Macedonia. "Scarlett, hindi ka nga pala maaaring pumasok sa Albana. Ang mabuti pa ay ihahatid kita sa Miseah at doon mo na lamang ako hintayin," tugon ko. "Masusunod, Kamah

