CHAPTER 15. Kingdom of Gusio

2177 Words
King Dylan Dalawang araw na ang lumipas simula nang kunin nila si Samara at hanggang ngayon ay hindi ko matanggap ang nangyari. Hindi ko maintindihan kung bakit bigla na lang sumama si Samara? Bakit hindi niya pinaalam sa 'kin ang desisiyon niya? Bakit tila biglaan? Hindi man lang ba sumagi sa utak niya ang iisipin at kapakanan ng buong Kaharian ng Haleia? Hating-gabi na at hanggang ngayon ay mulat pa rin ang aking diwa. Mula umaga ay hindi ako lumabas ng aking silid at ang mga kautusan ko'y ipinagbibilin ko na lamang kay Haring Spencer. Mula kaninang umaga ay wala na 'kong ibang ginawa kung hindi magpaulan ng apoy sa 'king paligid at kaagad din itong pinapatay. Nais ko lamang na ituon ang aking sarili sa pamamagitan ng mag-isang pag-eensayo at paghahasa ng aking kapangyarihan. Sa ganitong paraan ay nailalabas ko rin ang sama ng loob sa mga taga-Gusio. Ilang sandali pa ay naisipan kong humarap sa salamin at maigi kong pinagmasdan ang aking kwintas. Isang kapani-panibago dahil ni isang kislap ay wala ito. Mula nang mapalayo si Samara ay tuluyan na ring nawala ang pagkislap ng aking kwintas. Kung titimbangin ang aking panimdim sa mga oras na ito ay masyadong mabigat. Sa kalagitnaan ng aking pag-iisip ay bigla na lamang akong nakarinig ng yapak ng paa papasok sa 'king silid. Paglingon ay agad kong nakita si Prinsesa Gracielle. Marahan itong lumapit sa 'kin at sinabi, "Kamahalan, buong araw kang narito sa 'yong silid. Kung may bagay na bumabagabag sa 'yong isipan ay maaari mo 'kong sabihan. Ginawan nga pala kita ng porselas, gawa ito sa brilyante." Naglakad ako ng bahagya palapit sa kaniya at tiningnan siya ng seryoso, "Hindi ko kailangan ng kahit ano, kung pwede lang sana'y lumabas ka na't bumalik sa tungkulin mo." Gulat ito at hindi agad nakapagsalita sa aking mga sinabi. "Gusto mo pa bang ihatid kita sa labas bago ka sumunod?" tanong ko na siyang nagdulot ng kaba sa kaniya. "Pero, Kamahalan... k-kung gusto mo nang makakaus-' "Ang sabi ko lumabas ka 'di ba?!" nataasan ko siya ng boses ngunit hindi ko 'yon sadya. Mabilis itong yumuko't nagpaalam, "Masusunod, Kamahalan." Hindi ako makapaniwala sa aking inasta. Hindi ko mawari ang emosyon ko ngayon. Para bang anumang oras ay masisiraan ako ng bait kaiisip sa mga nangyari at mangyayari pa. Sa ngayon ay hindi ko nais makihalubilo muna sa kahit na sino hangga't 'di ko naikakalma ang aking sarili. KINABUKASAN Umaga pa lang ay nagtungo na 'ko sa Duevez. Sa kagustuhan kong mabaling ang atensiyon ko sa ibang bagay ay naisip kong ito ang paraan. Hindi ko rin naman gusto na mapabayaan ang aking nasasakupan kaya't ang oras ay itutuon ko na lamang ang aking sarili sa paghahasa ng aking kapangyarihan. Sa bawat paghampas ng espada at paglabas ng enerhiya ay may kaakibat na poot sa 'king dibdib. Ilang sandali pa ay nakarinig ako ng yapak palapit sa 'kin hanggang sa ito'y huminto sa likod ko ngunit hindi na 'ko nag-abala pa na tumingin. "Kamahalan, may nakapagsabing nawawala si Prinsesa Gracielle." Agad akong napalingon at napagtanto na ito ay si Prinsesa Topea. "Paanong nawawala?" pagtataka ko dahil kagabi lang ay pinuntahan niya pa ako. "Nasalubong ko siya kagabi at nang tanungin ko'y naggaling siya sa 'yong silid. Makalipas ang halos isang oras, nang magtungo ako sa silid niya ay wala siya roon. Hanggang ngayon ay wala pa ring makapagsabi kung na saan siya." Muli kong naisip ang nangyari kagabi. Hindi kaya... nasaktan ko siya sa sinabi ko? Nagpasiya ako na tawagin si Prinsipe Fharo upang samahan ako na magtungo sa Rafas. Tiyak naroon siya dahil ang angkan nito ay mula pa sa mga lumang kababaihan na nagsasagawa ng Vethre. Sa aming paglalakbay ni Prinsipe Fharo ay 'di ko maiwasang mapaisip kung bakit nga ba siya biglang umalis? Ito ang kauna-unahang pagkakataon na hindi siya bumalik sa Kaharian. Ano naman kaya ang kaniyang rason? Marahil ako, at sa aking inasal kagabi. Nang marating ko ang pinaka-malawak na hardin ng Rafas ay walang pag-aalinlangan akong pumasok sa loob. Sa harap ng lawa na may mga pulang bulaklak na nakapaligid ay nakita ko si Prinsesa Gracielle, hinahaplos niya ang mga ito. "Prinsesa Gracielle, bakit ka nandito? Mula kanina ay hinahanap kita, nandito ka lang pala," sambit ko. Gulat siyang napatingin sa 'kin. Doon ay napansin kong basa ang kaniyang buhok, mukhang nagbabad ito sa lawa. "Kamahalan..." Bahagya siyang napayuko kasabay ng isang mapait na ngiti. "Paumanhin kung lumabas ako ng Kaharian ng hating-gabi. Nais ko lamang magpahangin." "Kung ito ay tungkol sa inasal ko kagabi, humihingi ako ng paumanhin, hindi ko sinasadya. Marami lang akong iniisip," katuwiran ko. Iyon din naman ang totoo. "Maaari ba tayong mag-usap?" agad naman itong tumango. Naglakad kami sa may bungad ng Rafas at taimtim na pinagmamasdan ang paligid. "Kamahalan, humihingi ako muli ng paumanhin sa ginawa kong paglabas ng Kaharian, pero hindi ko nais bigyan ka nang iisipin. Sa katunayan ay ikinalulungkot ko ring malaman ang nangyari sa Siberian... at kay Samara," sambit niya. "Wala kang dapat ikabahala. Hindi na kailanman babalik si Samara," sambit ko. Patapos man ang salitang binitawan ko ay alam kong gano'n din naman ang kahihinatnan. Para saan pa't sabihin kong babalik siya? "Hindi ko nais bigyan ng kahulugan ang pagtrato mo kay Samara, pero napansin kong kahit bago lang siya'y malapit ang loob mo sa kaniya." bigla na lang nagising ang diwa ko sa sinabi niya. "Anong ibig mong sabihin?" pagtataka ko. Sandali itong humugot ng lakas ng loob bago sagutin ang aking tanong, "Nang dumating siya'y bigla na lamang nalayo ang loob mo sa 'kin. Ilang beses kong sinubukan na kausapin ka ngunit..." hindi niya naituloy ang sasabihin niya. "Pasensiya na, Kamahalan. Hindi ko nais bigyan ka ng panibagong iisipin. Narito lamang ako kung may kailangan ka." bahagya siyang ngumiti at yumuko. Akmang aalis na ito pero mabilis ko siyang pinigilan. "Sandali...." gulat siyang napaharap sa 'kin. "Ituloy mo ang sasabihin mo." seryoso ko siyang tinitigan habang siya'y 'di makapaniwala sa 'king sinabi. "Simula nang dumating si Samara ay naging mailap ka sa 'kin. Samantalang noon ay malapit ang loob mo sa 'kin, Kamahalan, wala pong masama sa sinabi ko. 'Wag mo sana 'kong kagalitan." nang sabihin niya 'yon ay awtomatikong namuo ang lungkot sa mga mata niya. "Paumanhin kung 'yan ang naramdaman mo, pero nagkakamali ka dahil kailanma'y 'di nalayo ang loob ko sa 'yo." kusang gumuhit ang ngiti sa kaniyang labi. "Totoo ba 'yan, Kamahalan?" mapupungay ang mga mata nito habang nasasabik na marinig ang aking kasagutan. Tumango ako. Sa mga sandaling iyon ay tila naging kalmado ako kahit papaano. Matapos nang masinsinang pag-uusap namin ni Prinsesa Gracielle ay nakapagpasiya na rin siya na bumalik sa loob ng Kaharian at muling ituon ang sarili sa kaniyang tungkulin. Isinama na siya ni Prinsipe Fharo pabalik sa loob ng Kaharian habang ako ay napasiya na magpaiwan. Kailangan kong makita si Inang Bathaluman upang mamutawi sa kaniya ang mga pangyayari. Batid kong alam niya ang mga naganap, gayunpaman ay kailangan ko siyang makausap. Marami akong katanungan na siya lang ang makasasagot. Marami akong kahilingan na siya lang ang makatutupad. Narating ko ang dulo ng Rafas, ang lahat na makasasalubong ko na bumabati sa 'kin ay pinagtatanungan ko. Sa kasamaang palad, walang sino man ang makapagsabi kung na saan si Inang Bathaluman. Hanggang sa mapagdesisyunan ko nang bumalik sa Kaharian. KASALUKUYAN akong nakatayo sa harap ng salamin dito sa loob ng aking silid. Sawi akong mahanap kanina si Inang Bataluman kaya naman minabuti kong magpahinga na lamang. Habang nag-iisip kung saan ko siya matatagpuan ay bigla na lamang kumislap ang mata na nakaguhit sa 'king palad. Senyales na may mga imortal na parating. Nang tingnan ko ito ay akin napagtanto kung sino ito. Celestial Deities Nagising ang diwa ko. Agad akong nag-ayos ng akings sarili sa harap ng salamin at mabilis na lumabas ng aking silid. Napahinto ako sa paglalakad nang makita ko si Spencer na nakatayo sa may gilid, isang alitaptap ang na sa kaniyang palad at maya-maya lang ay pinalipad niya na ito. Ang gano'ng gawi ay ginagawa lamang namin kapag may isang nilalang na nawawala at nais namin na makita. Ang alitaptap ang nagsisilbing sundo sa mga iyon at tagapag-balik ng mga naligaw o nawawalang imortal sa labas ng Haleia. "Spencer, anong ginagawa mo?" tanong ko dahilan kaya siya napalingon. "Nagbabakasakali lang ako na makita si Samara," sagot niya. "Pero hindi siya nawawala. Kinuha siya ni Federico," katuwiran ko. Marahan siyang naglakad palapit sa 'kin. "Ang totoo, wala akong makitang sapat na ebidensiya para maniwalang hindi siya nabibilang sa 'tin. Natitiyak kong may hindi tayo alam na kailangan nating matuklasan. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwalang nakuha nila si Samara. Wala ka bang ideya kung bakit tila mali ang kopsepto ng kristal? Buong akala ng lahat ay siya ang nagtataglay ng pinaka-mapanganib na kapangyarihan at nabibilang siya sa atin pero hindi gano'n ang kinahinatnan," sambit niya. Para bang binuhusan ako ng mainit na tubig nang sabihin niya 'yon. Tama siya. Iyon din ang nararamdaman ko ngunit mas nangingibabaw lamang sa 'kin na kailangan ako ng Kaharian. Ang isang Hari ay hindi lamang sa isang nilalang nakatuon dahil higit na kailangan ako ng karamihan. "Nauunawaan ko ang punto mo. Huwag ka mag-alala, gagawa ako ng paraan para masagot ang lahat ng katanungan natin tungkol kay Samara. Sa ngayon ay kailangan muna natin maghanda," tugon ko. "Hindi ba't naghahanda na ang lahat sa darating Ikatlong Propesiya?" sambit niya. "Hindi 'yan ang tinutukoy ko. Ang mga Celestial ay darating bukas, kailangan natin maghanda't ayusin ang buong Kaharian. Ipinauubaya ko sa 'yo ang tungkuling iyon. Ikaw na ang bahala't may kailangan akong gawin." agad itong yumuko't nagbigay galang. "Masusunod, Kamahalan." Samara Tulala akong nakatayo rito sa tapat ng bintana habang pinagmamasdan ang kalangitan. Maraming nagbago simula nang manatili ako rito sa Kaharian ng Gusio. Ang aking pananamit, mga pagkilos at pakikisalamuha ay tila nagbago na. Paano ko ba matatanggap ang lahat ng ito? Hindi ko lubos maisip na ganito ang totoo kong kapalaran. Hindi ba pwedeng bumalik na lang ako sa mundo ng mga tao at mamuhay kasama ang taong pinakamamahal ko na si Lola? Napakaraming katanungan ang hindi ko magawang mamutawi, dahil kanino nga ba? Kanino nga ba 'ko dapat magtiwala? Sa kalagintnaan ng malalim kong pag-iisip ay bigla na lamang akong nakarinig ng yapak dahilan para mapalingon ako. Unti-unting bumukas ang tarangkahe ng aking silid at iniluwal nito si Haring Federico kasama ang isang Prinsesa na may dala-dalang kahon. "Anong oras na't hindi ka pa rin nagpapahinga," seryosong sambit ni Federico. Dahan-dahang lumapit sa 'kin iyong Prinsesa. "Ako nga pala si Mathilde. Mula ngayon ay sa 'kin mo na ipagagawa ang anumang bagay na kailangan mo." isang malawak na ngiti ang pinakawalan niya bago muling magsalita, "Na sa loob nito ang isusuot mo para bukas." Kinuha ko ang kahon at saka ito inilapag sa may gilid. "Iwan mo muna kami ni Samara," sambit ni Haring Federico kaya naman mabilis na yumuko't nagbigay galang si Mathilde bago umalis. "Kulang ang dalawang araw na binigay mo sa 'kin para ihanda ang sarili ko," tugon ko. "Hindi na maaari pang tumagal ang pagkukulong mo rito sa silid. Kailangan kita. kailangan ka ng buong Gusio. Isa pa, matagal mo nang niloloko ang hari, kaya para saan pa ang paghahanda? Natatakot ka bang makita niya ang isang nilalang na pinagkatiwalaan niya ngunit isa pa lang-" "Manahimik ka! Wala akong ka-amor amor sa mga sinasabi mo. Alam nating dalawa na napilitan lang ako. Kung kailangan mo 'ko, 'wag mo nang idaan sa mga salita dahil wala akong pakialam." awtomatikong kumunot ang noo niya sa sinabi ko. "Ganito mo ba itrato ang Hari ng mga Haleia?" sagot niya na halatang may poot. Ngumiti ako at umiling bago magsalita, "Hindi. Dahil magkaiba kayo. Mataas ang respeto ko kay Haring Dylan." "Isa kang traydor, Samara. Alam natin 'yan. Marahil mataas ang respeto mo sa kaniya ngunit kalaunan ay ako pa rin ang sinunod mo. Ako pa rin ang susundin mo." Lalong namuo ang poot sa 'king dibdib habang pilit ipinapasok sa utak ko ang mga katotohanan. "Im manifesting that soon you will start treating me the respect I deserve, Samara. I am a King after all. I am YOUR KING." he smiled slightly. "Hindi sapat ang mga ebidensiyang pinakita mo sa 'kin," umiiling kong sinabi. "You are my Queen because I have entrusted my Kingdom in the presence of your soul, Samara. You are my greatest strength and my greatest weakness. Believe me or not, the Kingdom of Gusio will rely upon your power and beauty. Never forget that you are Ezperanza from the past, and I am Gabriel." Napalunok ako sa kaniyang mga sinabi. Hindi ko matanggap ang aking kapalaran. Mulig sumagi sa isip ko si Haring Dylan. Patawad sa desisyon kong pagsama kay Haring Federico. Maging ako ay hindi makapaniwala sa mga nangyari. Kamusta ka na ba, Kamahalan? Sana'y na sa maayos kang kalagayan. Sana'y 'di mo 'ko ituring na kalaban kahit pa alam kong imposible. Sana'y 'di mo 'ko kamuhian sa oras na ang katotohanan ay iyong malaman.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD