King Dylan
Nakarating kami sa isang makitid na daanan kung saan ang direksyon patungo sa portal na magdadala sa 'min sa Kaharian ng Siberian.
"Kung gano'n ang nilalaman ng liham ay paniguradong nanganganib nga sila," tugon ni Zurbana dahil sinabi ko sa kanya ang rason ng paglalakbay namin ni Samara.
"Tama ka. Kaya kahit alam kong higit na malakas ang Punong Ministro at mas matagal ang pananatili rito sa Versaile ay hindi na 'ko nagdalawang isip na tumugon sa kanyang kahilingan," sagot ko habang kami ay patuloy na naglalakad.
"Gano'n ba talaga kasakim si Haring Federico, kahit pa sino'y idadamay niya talaga? Kahit pa ang mga nilalang na payapang namumuhay ay gagamitin niya sa kasakiman niya," inis na sabi ni Samara.
"Tama ka, Samara. Higit na masamang hari siya kahit pa siya ang pinaka-makapangyarihang hari sa buong Versaile, higit na dapat pagsilbihan si Haring Dylan," sambit ni Zurbana.
Akmang magsasalita ako pero naunahan ako ni Zurbana, "Kamahalan, hindi naman kaya isa lamang itong patibong?"
"Anong ibig mong sabihin?" pagtataka ko.
"Masyadong malikot ang utak ng Hari. Naalala ko noon, isang Diwata ang nagpakita sa 'min ni Ina at sinabi nitong ipinatatawag kami ni Federico para humingi ng tawad sa ginawa niya sa 'king Kapatid na si Isaac, ngunit nang magtungo kami sa Gusio ay hindi iyon ang nangyari." gulat akong napalingon sa kanya. Maging si Samara ay nag-aabang sa sunod niyang sasabihin.
"Ano ang nangyari?" tanong ko.
Napabuntonghininga siya, "Kinuha niya si Ina. Wala akong nagawa dahil no'ng panahon 'yon ay wala pa 'kong kamalayan sa paggamit ng sandata't kapangyarihan."
Bakas ang galit sa kanyang mukha at pananalita habang sinasambit iyon. Maging ako ay nakaramdam ng poot.
"Napakawalang hiya talaga ng Federico na 'yon!" inis na sabi ni Samara.
Bigla na lang din akong napaisip sa kwento ni Zurbana. Paano kung isa lamang itong patibong upang makuha nila si Samara? Hindi maaari. Hindi ako makapapayag.
Malayo-layo na rin ang aming nalakbay kaya naman si Zurbana ay sandaling nagpaalam.
"Kamahalan, Samara, ikinagagalak kong makita kayo, ngunit hanggang dito na lang. Kailangan ko nang bumalik sa Dazve, ang seguridad ng mga Diwata at madirigma ay kailangan kong unahin sa ngayon. Kung kailangan niyo ng aking tulong, ito ang mapa. Sagrado ang lugar na tinutuluyan namin dahil ayaw namin ng kaguluhan ngunit handa kaming lumaban sa oras na kailanganin niyo kami." inabot niya ang mapa sa akin at nagbigay galang bago tuluyang umalis.
Nagpatuloy kami ni Samara sa paglalakad.
"Samara, ayos lang ba na dumikit ka sa 'kin? Isang madilim at masikip na espasyo ang daraanan natin. Kaunti na lang ay mararating na natin ang portal," sambit ko.
"Ayaw mo ba na ako ang manguna? Hindi ko magawang ipaliwanag Kamahalan pero malinaw ang mata ko kadiliman. Nakikita ko ang isnag bagay kahit walang liwanag." gulat akong napatingin sa kanya. Hindi ko akalaing unti-unti niyang nakikita ang kakayahan niya kahit pa hindi niya magawang ipaliwanag.
Sa pagkakataong ito ay na sa likuran ako ni Samara. Ang pagitan sa aming dalawa ay hindi gano'n kalayo. Hanggang sa marating namin ang portal. Ang ipinagtataka ko lang ay kung bakit nakasara ito?
Sa isang iglap ay nakaisip ako ng isang paaran para mabuksan ito
Unti-unti kong iniipon ang aking enerhiya hanggang sa ang init at tuluyan ko nang maramdaman. Ilang sandali pa ay nagtagumpay ako na ilabas ang malaking apoy sa 'king palad.
"Samara, alam mo ba ang naiisip ko?" tanong ko sabay tingin sa apoy na unti-unting lumalaki habang tumatagal.
Hindi sinagot ni Samara ang tanong ko. Laking gulat nang makita ko siyang pumikit habang hinihigop ang enerhiyang sa kanyang katawan at pagmulat nang mata nito'y nakontrol niya ang apoy sa 'king palad. Buong pwersa niya itong inihagis sa gitna ng portal. Ilang sandali pa ay unti-unti ito nagbubukas at ang liwanag na inilalabas nito ay masyadong nakasisilaw.
Sabay kaming napaatras ni Samara habang tinatakpan ang mata namin gamit ang kamay.
Hanggang sa tuluyang naglaho ang liwanag at ang portal ay tuluyan nang bumukas.
"Sino ang mauuna sa 'tin na pumasok, Kamahalan?" tanong ko.
"Ayos lang ba na hawakan ko ang kamay mo, para masigurong kung na saan ako ay nando'n ka rin?" sandali kaming nagkatitigan. Kailangan kong masiguro na hindi siya mahihiwalay sa 'kin dahil kung hindi ko hahawakan ang kamay niya sa pagpasok sa portal ay baka sa ibang dimensyon siya mapadpad.
"Oo naman." pagkasabi niya no'n ay agad kong hinawakan ang kamay niya dahilan para makaramdam ako ng kakaibang pintig sa 'king dibdib. Gano'n din kaya siya? Mali! Bakit ko nga ba naiisip ang bagay na 'yon?
Sa isang iglap ay napadpad kami sa labas ng Kaharian ng Siberian. Nang matauhan ay agad ko ring binitawan si Samara. Maraming kawal ang nakapaligid at nang magawi ang tingin nila sa 'min ay sabay-sabay yumuko ang mga ito't nagbigay galang.
Tatlong kawal ang naghatid sa amin papasok sa tarangkahan. Doon ay bumungad ang mga Prinsipe't Prinsesa na abala sa kani-kanilang pagpapalakas at pag-eensayo. Nang maglakad kami ni Samara sa gitna ay aagd napatigil ang mga ito, sabay-sabay silang yumuko't nagbigay galang.
Sandali akong tumigil sa gitnang bahagi habang si Samara ay na sa 'king likuran. Doon ay bumungad si Alesander, ang punong Ministro, nakatayo ito mula sa malayo kaya naman naglakad siya palapit sa amin.
"Kamahalan, ikinagagalak kong makita ka at ang 'yong kasama," sambit niya at saka yumuko't nagbigay galang.
"Ikinagagalak ko rin na makita kayong lahat na ligtas," sambit ko.
Bigla na lang nag-iba ang ekpresyon ng kanyang mukha at napalitan ng pagtataka.
"Anong ibig mong sabihin, Kamahalan?" kuryosidad niyang tanong.
Sandali akong napatingin kay Samara na ngayon ay nagtataka rin.
"Hindi ba't nagpadala ka ng liham sa iyong mensahero at ipinaabot ito kay Prinsipe Randal para ibigay sa akin?" tanong ko.
Gulat na napailing si Alesander at lalo pa itong lumapit sa 'kin.
"Paumanhin, Kamahalan, ngunit hindi ko alam ang sinasabi mo. Ang Kaharian ng Siberian ngayong araw ay abala sa pagpapalakas at paggamit ng sandata kung kaya't ipinagtataka ko rin ang iyong pagdating ng walang pasabi," sambit niya.
Kusang namuo ang galit sa 'king pagkatao nang marinig iyon.
"Ibig sabihin ay isa itong patibong." napasinghap ako ng hangin bago muling magsalita, "Isang liham ang natanggap ko mula sa isang prinsipeng naglilingod sa 'kin at sinabing ipinabibigay daw ito ng isang mensahero ng Siberian."
Inabot ko ang liham kay Alesander at agad naman niyang binuklat ito at binasa. Kita ko sa mukha nito ang galit kaya naman kahit 'di na siya magpaliwanag ay alam ko ang katotohanan.
"Isang kasinungalingan ang liham na ito. Paumanhin, Kamahalan, ngunit wala akong kinalaman sa liham na 'yan. Nakikita mo naman ang sitwasyon ng lahat. Nawa'y 'di maapektuhan ang tingin mo sa 'kin, Kamahalan." yumuko ito tanda ng paggalang.
Napabuntong hininga ako at sinabi, "Gano'n na nga talaga kalakas ang kahibangan ni Federico. Gagawin niya ang lahat para lang makuha si Samara." sandali akong tumingin kay Samara na ngayon ay hindi na rin mawari ang poot sa kanyang itsura.
"Siya si Samara?" tanong ng Punong Ministro.
"Tama ka, Alesander. Nagtungo kami rito upang magsagawa ng kalasag na magsisilbing proteksyon sana sa buong Siberian. Dala ko rin ang isang binhi na pinakaiingat-ingatan ko, planado ko sanang ibigay ito sa 'yo upang gawing agimat dahil ito ay nagtataglay ng kapangyarihan at kaya nitong talunin ang mga Mashkao sa isang iglap maging ang Hari ng Federico. Ngunit tatalab lamang ang binhi kung may isang Prinsesa ang mag-aalay ng kanyang sarili, sa madaling salita ay maglalaho ang kapangyarihan niya at magiging isang normal na nilalang," paliwanag ko.
"Hindi ko akalaing magagawa mong pagpasiyahan na magtungo rito at pagkatapos ay buong puso mong iaalay ang isang binhi na dapat ay sa inyo lamang. Kamahalan, malugod kong isasapuso ang 'yong bukal na puso. Ikaw ang nararapat na maging Hari at makapangyarihan sa buong Versaile. Huwag kang mabahala, ang katapatan ko mula ngayong araw na ito ay na sa iyo." nagulat ako nang bigla siyang lumuhod, tanda ng paggalang.
Maya-maya lang ay lumapit si Samara, "Mahal na Punong Ministro, isang tagubilin mula sa akin, mas mainam na maghanda kayo. Dahil maaaring ang pagsalakay na nakalagay sa liham ay kanilang totoohanin."
Tama ang sinabi ni Samara.
"Paumanhin kung naabala kita lalo ang mga Prinsipe't Prinsesa. Kailangan na naming bumalik ni Samara sa Haleia." matapos yumuko ni Samara ay agad kaming tumalikod.
Habang naglalakad ay sandaling tumigil si Samara at ang malalim niyang paghinga ay bakas dahilan para mapatigil din ako.
"Samara, may problema ba?" tanong ko.
"Sumisikip ang dibdib ko," sagot niya.
Nakaramdam na lang ako nang pagkabahala. Akmang magsasalita na 'ko pero...
"Kamahalan, diyan ka lang." inihakbang niya ang paa niya palapit sa tarangkahan at habang tumatagal ay bumabagal ito sa paglalakad.
Hanggang sa tumigil ito sa paglalakad. Pinagmamasdan ko lamang siyang nakatayo kahit pa ako ay nagtataka na sa kaniyang ikinikilos.
Laking gulat nang humarap siya't nagmamadaling lumapit sa 'kin.
"Kamahalan, hindi ko nais manguna sa ganitong bagay, pero pakiusap... tipunin mo silang lahat at sabihing maghanda sila.
Hindi ako sanay na pinangungunahan ang aking desisyon o inuutusan ngunit nang sabihin iyon ni Samara ay ramdam ko sa 'king sarili ang pagtitiwala sa kanya.
"Alesander, tipunin ang lahat at sabihin na maghanda, ngayon din!" pagmaamdali kong sinabi sa Punong Ministro.
Mabilis itong nagtungo sa gitna at saka binitawan ang mga katagang sinabi ko mula kay Samara.
"Makinig ang lahat, ihanda niyo ang inyong sarili ngayon din!" sigaw nito kaya naman ang lahat ay mabilis na kumilos.
Nagawi ang tingin ko kay Samara na ngayon ay na sa tapat ng tarangkahan. Pinagdikit nito ang dalawa niyang kamay hanggang sa dahan-dahan itong naghihiwalay. Doon ay natanaw ko kung paano niya higupin ang hangin hanggang sa buong pwersa niya itong inilabas at ikinalat sa buong paligid. Nagsisilbing itong kalasag sa aming lahat.
Maya-maya lang ay natigilan kami nang bumukas ang tarangkahan at laking gulat nang tumambad si Haring Federico, Alucio at ang mga Mashkao.
"Sinasabi ko na nga ba, kayo na naman!" usal ni Samara.
Mabilis akong naglakad at pumunta sa harap ni Samara.
Sandaling humakbang si Federico at agad din tumigil bago magsalita, "Paumanhin, Alesander, kung ginamit ko ang reputasyon ng 'yong ngalan. Iyon lamang ang tanging paraan para makumbinsi ang hari ng mga taga-Haleia,"
"Hindi ko nais ng kaguluhan. Kung maaari lang sana'y 'wag mong idamay ang aking nasasakupan. Pakiusap, Haring Federico," pagsusumano ng Punong Ministro.
Magsasalita pa sana si Federico ngunit mabilis kong inangkin ang pagkakataong kumibo.
"Anong kahibangan na naman ba ang pumasok sa utak mo, Federico? At bakit pati ang Kaharian ng Siberian ay dinadamay mo sa kasamaan mo?! Hindi mo 'ko kailanman makukumbinsi na sundin ang isang haring tulad mo na walang ibang inatupag kung hindi ang kasakiman!" mariin kong sinabi.
"Kung naging maayos lang sana ang usapan natin noong huling pagkikita natin, Dylan, hindi na sana aabot pa sa ganito." naglakad pa ito palapit at huminto rin dahil hindi niya magagawang hawakan ang kalasag na binuo ni Samara.
"Maayos ang usapan na si Samara ay hindi sasama sa 'yo. Ikaw ang makitid ang utak," seryoso kong sabi dahilan para ngumisi ito.
"Hindi ko nagugustuhan ang tabas ng 'yong dila, Dylan. Huwag mong ipilit na sa 'yo ang isang bagay o nilalang kung wala kang patunay!" nanlilisik ang mata nitong sinabi.
"Bakit ba hindi ka na lang sumama sa amin, Samara? Upang mapadali ang usapan ay huwag ka nang magmatigas!" usal ni Alucio.
"Hinding-hindi ako sasama sa inyo! Sa Haleia ako nabibilang, ano bang mahirap intindihin doon?!" sigaw ni Samara. Laking gulat nang humakbang ito palapit kay Federico dahilan para maglaho ang kalasag.
"Alam kong wala akong maalala sa anumang nakaraan o buhay na pinanggalingan ko sa nagdaang siglo, pero ang kasalukuyan ay hindi mo mababago, Federico. Hindi na rin kailangan pa na alamin ang nakaraan dahil kung ako ang tatanungin... mas nanaisin kong manatili sa Kaharian ng Haleia. Nasisiguro kong doon ako nagmula, hindi sa Kaharian ng Gusio na pinamumunuan ng isang haring tulad mo!" mariing sinabi ni Samara.
Muling gumuhit ang galit sa mukha ni Federico matapos marinig ang mga katagang iyon. Mabilis niyang inilabas ang itim na usok sa kanyang palad at nang ihagis niya ito patungo sa direksiyon ni Samara ay...
"Samara!"
Ang itim na usok na ay nasalo ko at tumama sa aking tagiliran dahil para mapahiga ako sa sahig. Kusa ko na lamang naramdaman ang matinding kirot sa 'king tagiliran. Sinubukan kong tumayo ngunit hirap akong igalaw ito. Hindi maaari!
Dali-dali akong nilapitan ni Samara.
"Kamahalan, ayos ka lang ba?" pag-aalala nitong itinanong.
Sa halip na awa ang masilayan ko sa kanyang mukha ay poot ang namayani sa kanya. Ang mata niya na kulay itim ay napalitan ng kulay berde.
"Ang kapakanan ng Siberian ang mahalaga, Samara. 'Wag ka nang mag-alala sa 'kin," pagpapakalma ko.
"Hindi! Hindi pwede, Kamahalan..." ramdam ko ang pangangatog ng mga kamay niya habang sinusubukan akong tulungan na bumangon.
"Samara! Sumama ka sa 'min, ngayon na! Huwag mo nang patagalin pa dahil hindi ako magdadalawang isip na sirain ang buong Siberian sa oras na tanggihan mo ako!" pananakot nito. Ang mga Prinsipe at Prinsesa, maging ang Punong ministro ay hindi nangialam pa dahil sinenyasan ko ito kanina pa na huwag magtangka ano man ang mangyari. Gayunpaman ay bakas sa mukha nila ang matinding kaba at kasabikang tumulong.
"Samara! Sasama ka ba o hindi?"
"Kailangan ko pa bang puruhan ang hari na ipinagmamalaki mo? Iyan ba ang hari na gusto mong pagsilbihan? Hindi ka nga niya magawang protekahan pagkat isa siyang mahina. Huwag kang magbulag-bulagan, Samara!" sigaw ni Federico habang kinukutya ang aking kakayahan.
Laking gulat nang bitawan ako ni Samara at mabilis na humarap kay Federico. Napalunok ako nang makitang muli ang senaryong nangyari kanina.
Magkahawak ang dalawa niyang kamay habang nakadikit ito sa kaniyang dibdib. Dahan-dahan siyang umaangat at nagpaikot-ikot sa ere hanggang sa ang kamay nito'y unti-unti nang maghiwalay.
Sa muling pagkakataon ay ibinagsak niya ang kanyang sarili sa lupa kasabay ng malakas na enerhiya na dumagundong sa buong paligid. Doon ay napatalsik niya sina Federico, Alucio at ang mga Mashkao. Nang paligiran ng itim na usok ang buong paligid ay lalo akong nagulumihanan. Bakit gano'n ang kapangyarihang taglay niya? Maging ang Prinsipe't Prinsesa ay na sa gilid, tuliro habang ang mga mukha'y puno ng pagtataka at pangamba.
"You are the Dark Summoner," usal ni Federico na ngayon ay manghang-mangha kay Samara. Maging ako hanggang ngayon ay lubhang nagtataka kung bakit ba ipinipilit nila si Samara ang Tawag ng Kadiliman.
Masakit man ang aking tagiliran ay pilit kong tinayo ang aking sarili at akmang lalapit kay Samara pero mabilis na nagsalita si Federico.
"I won't hurt her. Give me a little time to let her know the truth." natigilan ako sa kaniyang sinabi. Sa halip na hilain si Samara ay hinayaan ko ito.
Samara
Humakbang si Federico palapit sa 'kin. His eyes begged for something undescribable. Ngunit ako ay narito, damang-dama ang poot sa ginawa niya kay Haring Dylan. Tila gusto ko siyang saktan.
"I was hoping this moment would arrive eventually. Please come with me, Samara. I need you in my Kingdom. The third prophecy requires great power; that is why I need you." suminghap ito ng hangin bago muling magsalita, "I am the King. You need to obey me, Samara."
Sa halip na matakot ako ay mas lalong gumuhit ang poot sa aking dibdib.
"You may rule ng lands, you may be the most certainly powerful in the Land of Versaile, but I am who I am, and you have no power over me!" I said.
Nang magtama ang mata namin ay nakita ko ang lungkot sa mga mata niya na may halong hinanakit, ngunit ano nga ba?
Lalo pa niyang inilapit ang kaniyang mukha sa akin. "I've spent my life searching for a way to make things right. You're the first glimmer of hope I've had in a long time, Samara. Where do you think your power started? What about that thing you did? The dark power? Please, don't close your mind."
Tuliro ang aking isip, ano bang gusto niyang iparating?
"I still don't understand. If there's anything else I need to know, please tell me now!" mariin kong sinabi.
"You belong to the Kingdom of Gusio. You are the Dark Summoner, Samara. Believe me," he said.
I shook my head and said, "You're insane. That was a lie."
Laking gulat nang hawakan niya ang kamay ko. Awtomatiko akong napapikit hanggang sa biglang manumbalik ang isang ala-ala mula sa nakaraan. Isang senaryo ang nabuo sa isip ko.
Isang lalaking masiyahin ang lumapit sa 'kin at inabot ang isang kwintas na brilyante. Isinuot niya ito sa 'kin kasabay ng mga salitang binitawan niya na punong-puno ng mga pangako... siya si Haring Federico.
Nang imulat ko ang aking mata ay agad tumambad ang mukha ni Federico na ngayon ay nakangiti.
"You are my Queen Esperanza. It's me, King Gabriel. And, you are the Dark Summoner. "
I started crying, tried to stop, then to hide it. Hindi ko alam ang rason ng aking pagluha. Hindi ko alam kung bakit ako nabibilang sa Kaharian na higit kong kinamumuhian. Alam kong masyadong mabilis pero ang ala-alang nakita ko ay alam kong walang bahid na pagkukunwari. Ang itim kong kapangyarihan na kagaya sa mga taga-Gusio.
King Dylan
Poot at mabigat ang nakapaloob sa aking dibdib. Hindi ko alam kung ano ang ala-alang ipinakita ni Federico kay Samara. Mula kanina ay pinagmamasdan ko sila, maging ang atensiyon ng lahat ay na sa kanila. Gayunpaman, ang ilan sa mga sinabi nila'y 'di ko narinig.
Hindi ko alam kung bakit sabik ako na malaman din ang bagay na iyon. Bakit sa nakikita ko'y masyado silang malapit? Ang paraan ng kanilang pag-uusap? Bakit panay tango si Samara? Ibig sabihin ba nito ay sumasang-ayon na siya kay Federico?
Nanatili akong nakatayo habang inaalalay ang aking sarili. Nang lumingon si Samara sa 'kin ay awtomaikong kumirot ang aking dibdib. Ang mga tingin niyang tila pamilyar ay walang pagbabago.
Ngunit ang mga mata niya ngayon ay alam kong may bahid na negatibong emosyon. Kahit pa hindi siya kumibo'y ramdam ko ang lungkot sa mga titig niya.
Ngunit bakit? Bakit ako nasasaktan sa mga titig niya? Ang makaramdam ng sakit ay hindi normal sa tulad ko. Anong hindi ko alam na alam niya?
Bigla akong natauhan nang makita si Alucio at ang ibang kawal na naglakad palapit kay Samara. Pinaligiran nito at umaktong isasama nila.
"Samara! 'Wag kang sasama sa kanila!" nagmamadali akong lumapit sa mga ito kahit pa hirap akong igalaw ang aking tagiliran.
"Samara!" pilit kong itinutulak ang mga mga kawal ngunit mabilis akong inawat ni Alesander.
"Kamahalan, hayaan mo na sila. Ikapapahamak mo lalo ang ginagawa mo," sambit ni Alesander na ngayon ay inaalalayan ako.
Sa halip na magpumilit ay wala akong nagawa. Ang pagiging hari ko'y para bang nabalewala. Para bang isang lampa. Anong silbi ng aking kapangyarihan? Bakit hindi ko nagawang protekahan si Samara?
Marahil hindi ko alam ang katotohanan sa kaniyang pagkatao, maging ang nakaraan niya'y hindi ko mabasa. Ang natitiyak ko lang ay ang dulot niya sa 'king kwintas, ang presensiya niyang alam kong may malalim na kaugnayan sa 'kin... ngayong wala siya'y para akong pinatamaan ng palaso sa dibdib.
Mali na hayaan ko siya. Maling-mali!
Hintayin mo 'ko, Samara.