CHAPTER 13. Black Smoke

1611 Words
King Dylan Kasalukuyan kaming naglalakbay ni Samara sa isang makitid na daanan. Sa madaling salita'y wala na kami sa mundo ng mga tao. "Kailangan natin tumawid sa portal papunta sa Kaharian ng Siberian. Hindi tayo pwedeng tumuntong sa Quarel dahil malaki ang posibilidad na nakakalat ang mga Mashkao," "Sila ba 'yong mga itim na nilalang? Ang kasamahan ni Federico?" tanong niya. "Tama ka, Samara. Nakita mo naman ang nangyari, ang itim na nilalang na kumuha sa 'yo kahapon ay isang Mashkao," sandali akong suminghap ng hangin. Para bang nakalalanghap ako ng isang pamilyar na amoy. Amoy ng kalaban. Sandali akong tumigil sa paglalakad. "Samara, lumapit ka sa 'kin." agad niyang sinunod ang sinabi ko. "May mga Mashkao sa daraanan natin. Ihanda mo ang 'yong sarili. Sa oras na sumulpot sila'y 'wag mong kalimutang gamitin ang 'yong kalasag." Nagsimula na kaming maglakad. Sa bawat hakbang ay mas lalo akong nakakaramdam ng kakaibang presensya. Ilang sandali pa'y biglang sumulpot ang isang babae at dalawang lalaki. Humarang ang mga ito sa 'min kaya naman mabilis na nailabas ni Samara enerhiya na siyang nagsisilbing kalasag naming dalawa. Walang kahit na sino ang makalalapit o makapananakit sa 'min kahit pa anong kapangyarihan o sandata ang ibato ay hindi kami tatamaan. Lumapit ang mga ito sa 'min. Hindi ko sila kilala. Sino sila? "King Dylan?" tanong ng isang babae na sa palagay ko'y isang mandirigma, sa pustura pa lang ng kanyang kasuotan ay mahahalata na ito. Isama pa ang dalawang lalaking gano'n din halos ang kasuotan, "My great mother was the White Royal Assassin in the Kingdom of Gusio, the Obscure Goddess who created the Vera. Her name is Umbra. Ang kaisa-isang butihing Ina sa Kaharian ng Gusio, na ang tanging hangarin ay kabutihan." "I don't know her. I don't even know who you are. What brings you here aside from telling me those things? Ano ang Vera na sinasabi mo?" Sa halip na sagutin ang aking mga katanungan ay lalo pa nitong inilapit ang kaniyang sarili sa amin. "My name is Zurbana, I am her daughter. Ang Vera ay isang malawak na teritoryo na ginawa ni Ina para sa malayang pagsasanay ng kapangyarihan ng mga ligaw na Diwata at mandirigma, mga nilalang mula sa ibang panig ng Kaharian na hirap makita ang sariling kapangyarihan at kakayahan. Ipinamana ito ni Ina sa aking kapatid na si Isaac... na pinaslang ni Federico." nang sabihin niya 'yon ay sandali akong napatingin kay Samara. Sandali niyang kinalma ang kanyang sarili at inalis ang kalasag na nagsisilbing harang sa aming dalawa mula pa kanina. "Ibig sabihin ay naiiba ang angkan niyo sa dugo ni Federico. Higit pa sa pusong bato ang haring iyon dahil marami na siyang pinaslang para sa sarili niyang kasakiman at kagustuhan," sagot ko. Si Samara ngayon ay na sa aking likuran. "Tama ka." "Kung gano'n ay anong rason ni Federico at bakit niya gustong makuha ang Vera? Bakit hindi na lang siya nakipagkasundo kay Isaac na makiisa sa pamumuno?" tanong ni Samara na halatang puno ng kuryosidad sa kanyang isip. "Hindi matanggap ni Federico na tumutulong kami sa mga Diwata, mandirigma at mga nilalang na hindi kabilang sa Kaharian ng Gusio. Ang dating Vera ay napalitan sa katawagang Gumor, and it wasn't a mistake. It is creation made of his greed. His evil. His will. Sakim at biyolente siyang Hari," bakas ang hinanakit sa kanyang mga mata at pananalita. Maging ang galit na nadarama ko ay lalo pang nadagdagan. "Kung ganon'n ay kailan pa naganap ang pangyayaring pagpapaslang kay Isaac?" Naglakad ito patalikod at saka binulungan sandali ang dalawang lalaking kasama niya. Hanggang sa umalis na ang mga ito at naglaho na parang bula. Muli siyang humarap sa 'min ni Samara habang nakatanaw sa malayo. "In the lattermath of the second prophecy, the Vera was destroyed, and King Federico killed the formerly ancestral. On that day, he ascended and remained on the throne to become a powerful King." suminghap siya ng hangin bago muling magsalita, "Matapos niyang paslangin ang aking kapatid ay binago niya ang Vera. Ginawa niya itong sariling teritoryo na ang tanging eksena sa loob ay ritwal at seremonya. Lahat ng nilalang na madadala niya roon ay hindi na nakalalabas pa't ang kapangyarihan ng mga ito'y hinihigop niya hanggang sa bawian ito ng buhay at siya ay mananatiling makapangyarihan." Hindi agad ako nakapagsalita sa aking mga narinig. Palaisipan ang lahat sa 'kin. "Think about how the name Umbra means darkness ang the word Vera means truth. Sa kabila ng kadilimang pamumuhay na kinalakihan ni Ina ay hindi siya natakot na maging totoo sa kanyang sarili kahit. Nais lamang niya na makatulong sa iba ngunit si Federico ay hindi nagpatinag dahil gusto nito na siya lang ang bukod tanging malakas at kakaiba," sunod-sunod niyang paliwanag. "Kung gano'n, na saan ang 'yong Ina? Ibig sabihin din ba nito'y 'di ka na nagtutungo sa Kaharian ng Gusio? Kung oo, saan ka namamalagi?" sunod-sunod kong tanong. "Sa Dazve ako nanunuluyan kasama ang iilan kong ninuno. Ang lugar kung na saan ang pinakamalawak na karagatan sa buong Versaile dahil iyon na lang ang naiwang pamana ni Ina. Hindi ko siya kasama dahil na sa kamay siya ni Federico at hanggang ngayon ay hindi ko siya magawang bawiin. Inihahanda ko pa ang aking sarili." sa itsura pa lang niya ngayon ay halatang 'di lang hinanakit ang baon niya ngunit labis na paghihiganti at kasabikang mabawi si Umbra, ang kanyang Ina. "Sino ka?" tanong niya kay Samara. "Ako si Samara. Nanggaling ako sa mundo ng mga tao at kamakailan lang nang makabalik ako sa Kaharian ng Haleia," matapos magpakilala ni Samara ay dahan-dahan inabot ni Zurbana ang palad nito't pinakatitigan. "Kaya ko ring bumasa ng pagkatao, ngunit humihingi ako ng paumanhin pagkat 'di ko mabasa ang iyo, Samara," sambit niya. "Siya ang nagtataglay ng pinakamapanganib ng kapangyarihan buong Kaharian ng Haleia," saad ko. "Ikinagagalak kong makita ang isang Hari at ang tulad mo, Samara. Anong inyong pakay at narito kayo?" pagtataka niya. Akmang magsasalita ako nang biglang umalingawngaw ang ingay mula sa kalangitan. Uwak "Narito ang mga Mashkao, maghanda kayo, Kamahalan, Samara!" mariin sambit ni Zurbana. Sabay-sabay kaming nagpatuloy sa paglalakad habang inihahanda ang sarili sa mga posibleng mangyari. Ilang sandali pa ay sumulpot ang limang Mashkao dahilan para kaming tatlo ay maghiwa-hiwalay at kalabanin ang mga ito. Sa bawat hampas ng espada ay may nadarama akong pangamba. Hindi ko matanggap sa 'king isipan ang mga nangyayari, paano kung makuha nila ulit si Samara? Nagawi ang tingin ko kay Samara na ngayon ay nakikipag-espadahan na para bang bihasa sa larangan ng pakikipagdigmaan. Ilang sandali pa'y muling nadagdagan ang mga Mashkao at para bang hindi nauuubos ang mga ito. Unti-unti kong inipon ang enerhiya sa 'king katawan at nang maramdamang puno na ito ng init ay buong pwersa kong itinarak ang espada sa lupa na siyang nagdulot ng nagliliyab na apoy sa paligid. Ang mga Mashkao ay tinamaan at unti-unting naging abo hanggang sa wala ng natira. Maya-maya lang ay muling nagsidatingan ang iba pang Mashkao at nakapalibot ang mga ito sa aming tatlo. "Kamahalan, Samara, handa na ba kayo?" Sabay kaming tumango ni Samara. "Isa, dalawa, tatlo!" Mabilis kaming naghiwa-hiwalay at nagsimulang kalabanin ang mga Mashkao. Sa sobrang dami ng mga ito ay hindi na sila mabilang pa. Pinaulanan ko ng apoy ang mga Mashkao at sinigurong magiging abo ang mga ito. Ngunit habang tumatagal ay lalo pa silang dumarami. Saan ba sila nanggagaling? Nagawi ang tingin ko kay Samara dahil sandali itong natigilan sa pakikipaglaban. Para bang may hinahanap ito. Nanlaki ang mata ko nang makita ang isang Mashkao na unti-unting lumalapit sa kanya, at akmang tatamaan ito ng espad pero... "Samara!" Sa pamamagitan ng hangin ay napatalsik niya ito. Halos 'di ako makagalaw nang makita ko siyang pumikit, magkahawak ang dalawa niyang kamay na nakadikit sa bahagi ng kanyang dibdib. Unti-unti siyang umaangat sa ere habang ang mga kamay niya'y dahan-dahang naghihiwalay. Hanggang sa magpaikot-ikot siya sa ere ng napakabilis, unti-unting lumalabas ang itim na usok. Hindi ako makapaniwala sa aking nakikita. Sino ka ba talaga, Samara? Sino ka sa nagdaang siglo? Buong pwersa niyang ibinagsak ang kanyang sarili sa lupa kasabay ng napakalakas na enerhiya, nang paligiran ng itim na usok ang mga Mashkao ay unti-unting namatay ang mga ito. Lahat ay nakahandusay sa sahig. Natauhan lamang siya nang makita niyang nakatitig ako sa kanya. Marahan siyang tumayo. "Kamahalan..." pagtawag niya sa 'kin. Maging si Zurbana ay halatang hindi makapaniwala sa kanyang nasaksihan. "Samara, paano mo nagawa 'yon? Nagyon ay lumabas ang isa mo pang kapangyarihan na noon ay 'di ko pa natuklasan," sambit ko habang naglalakad palapit sa kanya. "Hindi ko maintidihan... nawala ang kwintas na bigay sa 'kin ni Lola at pagkatapos no'n ay bigla na lang akong nakaramdam ng matinding galit. Ang init sa katawan habang na sa ere ako, hindi ko makontrol ang sarili ko. Gusto ko silang patayin!" muling nagbago ang ekspresyon ng mukha niya. Akmang lalakad ito palayo pero mabilis ko siyang pinigilan. "Samara, kumalma ka. Wala na sila. Napatay mo na sila," tugon ko. "Napakalakas mo, Samara. Kataka-taka man ang kulay na inilalabas mo ay ikinagagalak ko pa rin na makilala ka sa gitna ng pakikipaglaban," yumukong sinabi ni Zurbana. Ngiti ang isinukli ni Samara. Nagpatuloy kami sa paglalakbay at bawat hakbang ay may katumbas na katanungang bumabagabag sa 'king isipan. Iyon ay kung anong klaseng nilalang si Samara? Bakit itim na usok ang inilabas niya? Bakit katulad ng kapangyarihan ng mga taga-Gusio? Muling nanumbalik ang mga pangyayari noon sa Quarel, kung paano pilit na hinahanap sa 'kin ni Alucio ang Tawag ng Kadiliman ngunit hindi niya nasabi kung sino ba iyon. At kung paano pilit na kinukuha ni Federico si Samara.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD