King Dylan Sa pagsapit ng bukang liwayway ay agad kong tinipon ang lahat sa gitnang bahagi dito sa Duevez. Ang mga kristal at binhi ay maayos na nakapalibot sa Kristal ng Liwanag na binigay sa akin ni Luna kahapon. Puti at asul lamang ang kulay ng mga ito at ang karamihan sa mga ito'y maiging sagrado na nagmula pa sa Rafas at Himlayan. Ang kabuuan nito ay apatnapu't lima, sa madaling salita ay nanggaling ang ilan sa Rafas, Himlayan, loob at labas ng Haleia. Habang pinagmamasdan ang mga ito kasama ang mga Prinsipe't Prinsesa ay bigla na lamang humangin ng malakas at isang liwanag ang nagdulot ng pagkasilaw sa 'min. Doon ay sumulpot si Inang Bathaluman na ikinagulat namin. Sabay-sabay kaming yumuko at nagbigay galang habang ito ay palapit sa mga kristal at binhi. Bata man ang kaniyang i

