King Dylan Ilang oras na ang nakalipas simula nang makausap ko si Samara. Buong akala ko'y hindi ko na siya makikita pa o makakausap. Hindi ko na maunawaan pa ang dapat na gawin. Alam kong mali na makipagkita pa kay Samara dahil kabilang siya sa mga nilalang na matalik naming kaaway. Tuwing maiisip ang imahe niya'y kusang nabubuo ang galak sa 'king puso ngunit kapag naaalala kung saan siya nagmula ay awtomatikong napapalitan ito ng pighati. Hindi. Hindi maaari. Isang kahibangan na isipin siya. Gagawin ko lamang ang kahilingan niya para sa ikapapanatag ng kaniyang kalooban. Maging sa ikatatahimik ng aking isip. Ipaaalam ko na lamang kay Spencer ito sa oras na makahanap ako ng kasagutan. Sa kalagitnaan ng aking pag-iisip ay natauhan ako nang lumapit ang mga Celestial. "Kamahalan, bago k

