Divine Amity Sa isang malawak na lupain na napapaligiran ng mga higanteng puno at nakamamatay na ugat ay narito ako, tinatawag itong Bizaer. Nakasaklob ang mahaba't itim na tela sa ulo ko. Ang lahat ng naririto ay ang mga kampon ng kadiliman na pinamumunuan ngayon ng anak ni Hoven. Ang lugar na ito kailanman ay hindi nasisikatan ng araw. Sa madaling salita ay hindi sumasapit ang umaga, dahil mula nang isuko ni Hoven ang kaniyang sarili sa isang mabangis na serpienteng nilalang na si Reverie na naging asawa niya ay tuluyan na itong sinakop ng kadiliman. Si Reverie ay nagmula pa sa Ikaunang Propesiya, nakatira siya sa Batis ng Basilik sa dulo-dulohan ng Versaile kung saan ang mga nilalang doon ay payapang namumuhay. Hindi ganoon katindi ang kapangyarihan ng mga nilalang doon ngunit labis a

