King Dylan Ilang linggo na ang nakalipas simula noong araw na sumapit ang Ikatlong Propesiya. Kapayapaan ang tanging nangingibabaw hanggang ngayon. Gayunpaman ay hindi kami nagpapakampante sa kinahinatnan dahil alam namin na hindi pa iyon ang wakas ng digmaan. Ang lahat ay naroon sa Duevez, abala na nag-eensayo at naghahanda dahil ang muling pagsalakay ng mga taga-Gusio ay walang kasiguraduhan kung kailan nga ba. Lalo na't hindi ko napatay si Alucio at Federico ng tuluyan. Si Zurbana naman ay kagagaling lang dito kahapon at inutusan ko siya kasama ang mga mandirigma na hanapin si Buencamino. At sa oras na matunton nila ito'y kaagad na dalhin dito sa loob ng Kaharian. Sa kasamaang palad ay bigo siyang mahanap ito kaya naman sinabihan ko siya na ituon na lamang niya ang kaniyang oras sa pa

