King Dylan Matapos ang pag-uusap namin ni Dylan ay agad din kaming pumasok sa loob ng Kaharian. Sandali akong nagpaalam sa kaniya at nagpasya na puntahan si Scarlett sa kaniyang silid. Pagpasok pa lamang sa kaniyang silid ay dinatnan ko na itong nakahiga at nagpapahinga ngunit siya ay gising. Nang makita niya ako ay kaagad siyang bumangon at umupo. "Kamahalan..." Lumapit ako at umupo sa tabi niya. "Ayos na ba ang pakiramdam mo? Wala bang masakit sa 'yo?" Gumuhit ang ngiti sa kaniyang labi. "Salamat sa lahat. Higit pa sa tama ng palaso ang sakripisyong ginawa mo para sa 'kin. Dahil batid kong mahirap na makita mong nagdurusa ang nilalang na higit mong pinahahalagahan." Umiling ako at saka ngumiti. "Tama ka. Kaya hindi ko kayang makita kang walang buhay. Lalo nang malaman ko na ikaw si

