King Dylan Nagdaan ang isang araw at ang lahat ng oras ay inilaan namin sa pag-eensayo. Ang bawat minuto ay napakahalaga kaya naman wala kaming sinayang kahit pa segundo. Ang mga Prinsesa ay nagpakalat ng Vethre sa buong Kaharian, maging ang kinalalagyan ng mga kristal ay pinaligiran din nang sa gano'n ay walang masamang makalalapit. •ITINAKDANG ARAW PARA SA IKATLONG PROPESIYA• Ngayon ang nakatakdang araw ng Ikatlong Propesiya. Sa madaling salita ay magkakaroon ng digmaan sa pagitan ng Kaharian ng Gusio at Haleia. Mula pa man noon ay ganito na kapalaran namin. Hindi kabilang ang Siberian sa anumang digmaan sapagkat ang Kahariang iyon ay walang Hari at Reyna, na sa madaling salita ay hindi kailanman sila maaaring gambalahin. Ang sinomang sumalakay sa kanila ay may matinding kapalit na

