King Dylan Nangangatog na ang buo kong katawan nang sumulpot bigla si Topea at Prinsipe Randal. "Kamahalan, kami na ang bahala sa kaniya. Kailangan namin siya dalhin sa Haleia sa lalong madaling panahon," nagmamdaling sambit ni Topea. Agad kong ipinaubaya sa kanila si Scarlett kasabay ng isang paalala, "Pakiusap, Topea, gawin niyo ang lahat. Kailangan niyang mabuhay." "Makakaasa ka, Kamalahan," sabay nilang paalam. Tuluyan na silang umalis at mabilis na naglaho pabalik sa loob ng Kaharian. Hanggang sa ako ay bumangon at patuloy na kinalaban ang mga Mashkao. At kahit palaisipan sa 'kin ang sinabi niya na siya si Veronica ay ay pinipilit kong isantabi muna iyon. Ibinuhos ko ang aking galit sa mga kalaban habang pilit na inaalis muna pansamantala ang pighati dahil tuwing naaalala ko si

