King Dylan Iminulat ko ang aking mga mata at napagtantong nakagapos ang mga kamay at paa ko habang nakatayo. Sinubukan kong magpumiglas ngunit hindi ako makawala dahil bakal ang nagsisilbing posas sa 'kin. Nang mapatingin ako sa isang direksyon ay muli kong nakita si Samara. Ang mukha ng babaeng pinagkatiwalaan ko. Ang babaeng noon ay minahal ko na hanggang ngayon ay tinatraydor ako. "Traydor ka," nakangisi kong sabi. Dahan-dahan siyang lumapit sa 'kin dala ang isang ngiting tila may poot. "Wala kang karapatan para husgahan ako!" mariin niyang sambit. "Pagkatapos ng lahat ay sa 'kin mo pa sasabihin 'yan? Pinaslang mo 'ko noon, hanggang ngayon ba naman ay gusto mo 'kong patayin?" tanong ko. "Anong pinagsasabi mo?!" bakit hindi niya alam? "Huwag ka nang magmaang-maangan, Samara. Ala

