King Dylan Ilang sandali pa ay binitawan ko na siya. Bakas sa mukha nito ang pagkabigla sa ginawa ko. "Paumanhin, Scarlett, nadala lamang ako," tugon ko. Maya-maya lang ay dumating si Spencer kasama ang mga Celestial. "Kamahalan, mabuti na lang ay nakablik ka na!" salubong ni Nostavia. "Walang oras na hindi ka namin hinintay sapagkat alam namin na hindi mo pa oras," saad naman ni Rivo habang nakaalalay sa kaniya si Luna. "Labis na nabahala ang lahat sa nakita naming pangyayari nang paslangin ka ni Samara. Nagbalak kaming puntahan ka ngunit dumating bigla si Inang Bathaluman at sinabi nitong isang patibong ang pag-alis namin dahil maraming Mashkao na naka-abang sa labas ng Haleia. Sasalakayin nila ang buong Kaharian sa oras na kami ay magtungo sa Gumor," paliwanag ni Spencer. "Kaya't

