King Dylan Dahan-dahang nagmulat ang mata ko at sa pagkakataong ito ay nakabagsak lang ang ulo ko. Nakatayo ako habang ang mga kamay at paa ay nakagapos sa kadena. Muli kong naalala ang huling pangyayari... sinaksak ako ni Samara gamit ang kaniyang espada. Ngunit bakit muli akong nabuhay? Sa halip na iangat ang aking ulo ay pinili kong magpanggap na walang malay. Kahit hindi ako lumingon ay ramdam kong may nagbabantay sa 'kin, at maaaring iyon ay ang mga Mashkao. Bigla na lamang akong napatingin sa parte ng aking dibdib, kitang-kita ko kung paano ito kumislap. Bigla ko na lang tuloy naalala ang sinabi ni Scarlett. Ang binhi na nakaukit sa 'kin ay may kakayahang hilumin ang anumang sugat na natamo ko. Sa madaling salita ay ito ang nagpanatili sa 'king buhay kaya ngayon ay dilat na ang

