Kabanata 23 Kasal "You're not sleeping anywhere," sabi niya nang umalis ako bigla sa kama at maglakad palapit sa may pintuan. Mabilis siyang kumilos, nagawa pang makipagunahan sa akin papunta roon. Nang magpang-abot kami ay hinarangan niya iyong pinto, miski ang door knob ay hinawakan niya para hindi talaga ako makalabas. Tinaasan ko siya ng isang kilay. "I told you, matutulog ako kahit saan ko gusto," pagmamatigas ko. Tumiim ang kanyang bagang. Nakita ko pang humigpit ang pagkakahawak niya sa door knob dahilan para mas lumitaw ang kanyang mga ugat sa braso. "No," matigas niyang tugon, ang paningin ay hindi manlang inalis sa akin. Sumama bigla ang mukha ko. "Umalis ka riyan sa may pintuan kung ayaw mong magalit ako sa 'yo," maawtoridad kong sinabi pero hindi manlang siya natakot, nan

