Kabanata 24

3015 Words

Kabanata 24 Pancit "Namiss ko kayong dalawa," anang lalaki nang makarating kami sa kusina. Ilang buwan palang naman kaming hindi nagkikita, pero heto siya ngayon. Nakakagulat talaga na nandito siya sa harap namin, ang akala ko'y hindi siya makakapunta rito dahil abala siya sa kanyang trabaho, pero tignan mo naman, nakagawa yata ng paraan ang loko. Pero paano niya nalaman ang tungkol sa Mamburao? Ito ang unang beses na napunta siya rito, isa pa hindi niya kami sinabihan! Sana ay nasundo namin siya sa airport 'di ba? Nagkatinginan kami ni Via at ngumiti sa isa't isa. "Sus, dinamay mo pa ako, baka naman si Bella lang ang namimiss mo," ani Via na may nakakalokong ngiti. Kahit kailan talaga! Minsan hindi ko na alam kung nakanino ang loyalty niya eh, kung kay Carrick ba o kay Kenjie. Ta

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD