Kabanata 25 Kambal "You okay?" biglang tanong ni Rhys dahilan para matigil ako sa pag-iisip ng kung ano ano. Nilingon ko siya at tinanguan. "Yes I am, pasensya na nga pala at nagising ka." "Wala 'yon, ako ang dapat humingi ng pasensya sa inasta ni Carrick, kapag pagod talaga siya ay gano'n," aniya bago ilagay ang pancit bihon doon sa kawali. Naaamoy ko na 'yong luto niya! Napakabango no'n, tiyak na masarap din. Ang daming repolyo, carrots, young corn, shrimp at kung ano anong gulay pa! Kumpleto sa sangkap. Bumungisngis ako saka lumapit sa tabi niya. Inamoy amoy ko 'yong pancit na ngayon ay hinahalo na niya. "Ang bango niya!" Natawa siya saka sumulyap sa akin. "Bilib na talaga ako sa 'yo," sabi ko at ngumiti ng pagkalapad lapad. Buti nalang talaga at nandito si Rhys, dahil kung wal

