Wakas (Part 1)

3385 Words

Wakas Inis kong ginulo ang sariling buhok matapos makatanggap ng tawag mula kay Mama. Pinauuwi niya ako ng Mindoro ngayon. Ang akala ko'y hindi na niya ako kukulitin pa pagkatapos kong gawin 'yong ipinagagawa niya. "Oh, ano na namang nangyari sa 'yo?" tanong ni Joaquin, kaibigan ko. Gaya ko, taga Mindoro rin siya pero madalas na nandito sa Manila dahil may iilang inaasikaso. Nilingon ko siya at pabagsak na naupo sa sofa. "Tumawag si Mama at pinauuwi ako." "Wow..." natawa siya kaya naman sinamaan ko ng tingin. "Fine, mananahimik na." Ewan ko ba, hindi ko alam kung anong nasa isip at binabalak ng aking ina. Kinausap niya ako para kuhanin ang loob no'ng Gab na sinasabi niya, nakatira 'yon ngayon sa poder ng mga Del Valle. At base sa sinabi ni Mama, nawawala raw ang tunay na anak ng mg

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD