Sa isang tahimik na subdivision, bumabaybay ang itim na chevrolet na sasakyan ni Rafael Santiago, isang 65 anyos na negosyanteng naka-wheelchair. Malalim ang gabi, at tahimik ang paligid maliban sa mahinang ugong ng makina. Sa tabi niya ay ang matagal nang driver na si Manuel. Stay in ito sa bahay niya at halos sabay na silang tumanda..
Habang mabagal na tumatakbo ang sasakyan ay biglang napansin ni Rafael ang isang anino sa gilid ng kalsada. Nang mapalapit, nakita niyang may babaeng nakahandusay sa semento, duguan at halos wala nang malay. Nakasandal ito sa pader, nanginginig at pilit na tinatakpan ang tagiliran.
“Stop the car,” utos ni Rafael, mababa ngunit mariin ang tinig.
Huminto agad si Manuel, ngunit hindi siya agad bumaba. Tiningnan niya ang direksyon na tinitingnan ng kanyang amo..Nakakunot ang noo nito habang tinititigan ang babae.
“May babae sa tabi,” ani niya.
“Senyor… delikado po kung kukunin natin siya. Duguan ang babae at mukhang mapanganib. Baka may kaso ‘yan o galing sa gulo,” babala ng driver.
Tumingin si Rafael mula sa loob ng kotse, malamlam ang mata pero mariin ang tono.
“Manuel, look at her. She’s not dangerous, she’s hurt. Kung iiwan natin siya dito, she might die.”
Umiling si Manuel, halatang nag-aalinlangan.
“Pero senyor, baka wanted ‘yan. Pulis ang hahabol sa atin kapag isinakay natin siya. Isa pa po hindi natin siya kilala.”
“Do as I say. I’ve seen enough of the world to know when someone needs help. Tingnan mo siya—mukha ba siyang kriminal? She’s just a girl fighting for her life,” maawtoridad na wika ni Rafael sa driver. "Bumaba ka na, help her."
Napabuntong-hininga si Manuel, bago bumaba ng kotse. Lumapit siya kay Helen, na halos hindi na makapagsalita. Namumugto ang mata nito sa luha, nanginginig ang kamay na nakatakip sa sugat.
“Senyor, buhay pa siya pero mahina na ang pulso niya,” ani Manuel habang nakaluhod.
“Then don’t waste time,” mariing sagot ni Rafael mula sa loob. “Carry her to the car. Now.”
Maingat ngunit nag-aalangan, binuhat ni Manuel si Helen at isinakay sa likuran ng sasakyan. Pagpasok niya, nakita niyang nakatingin si Rafael kay Helen, kilala ni Manuel na maawain ang amo pero nag-iingat lang naman siya.
Habang umaandar ang kotse, biglang nagmulat ng kaunti si Helen. Mahina ang boses nito..
“P-please, wag niyo akong ibalik sa amin… Papa---tayin nila ako.”
Natahimik si Manuel, hindi alam kung ano ang ibig sabihin nito. Pero si Rafael, agad na lumapit gamit ang kanyang nanginginig na kamay at tinapik ang balikat ng babae.
“You’re safe now. Nobody’s going to hurt you anymore,” mahina ngunit matatag ang boses ni Rafael.
“Senyor,” sabat ni Manuel habang nagmamaneho.. “Paano kung hinahabol siya ng mga pulis? Paano kung kasangkot nga siya sa krimen?”
Tinitigan ni Rafael ang driver sa rearview mirror, malamlam ang mata ngunit puno ng bigat ang boses.
“Manuel, remember this, sometimes, people are judged before they are even heard. I won’t let that happen tonight. Bakit natin ipagkakait ang tulong na kaya nating ibigay sa kanya?. Hindi ko kayang may masaktan. Nakikita mo ba ang babaeng ito? Mukha siyang inosente, sa tingin mo ay kaya niyang gumawa ng krimen?”
Hindi nakasagot si Manuel. Nakatitig lang din sa babae.
Tahimik ang sasakyan habang patuloy silang umaandar palayo sa lugar kung saan nila nakita ang babae… Sa likod, nakahiga si Helen, halos mawalan na ng ulirat, ngunit ramdam niyang ligtas na siya.
Habang umaandar ang itim na sasakyan sa kahabaan ng kalsada, pabilis nang pabilis ang t***k ng puso ni Manuel. Nakatingin siya sa rearview mirror, at doon niya nakitang halos nakapikit na si Helen, nanginginig at walang lakas. Si Rafael naman ay hindi inaalis ang tingin dito, hawak-hawak ang kanyang tungkod na para bang handang ipagtanggol ang babae laban kaninuman.
Biglang umalingawngaw ang tunog ng serena mula sa di-kalayuan.
“Senyor… mga pulis. Papalapit sila!” bulalas ni Manuel na kinakabahan.
“Keep driving. Huwag kang magpakita ng kaba,” mariing sagot ni Rafael.
Sa gilid ng kalsada, may mga nagmamasid na kapitbahay. Narinig pa nila ang bulungan ng ilan.
“Helen daw ang pangalan ng kriminal!” ani ng isa.
“Wanted ‘yan, hinahanap ng mga pulis!”
Ilang sandali pa, isang patrol car ang lumapit sa kanila at kumurap ang ilaw, senyales para huminto. Napamura si Manuel sa kaba.
“Senyor hindi tayo pwedeng tumakbo. Kung tatakas tayo, mas lalo tayong pagbibintangan at pagdududahan."
“Then stop the car,” utos ni Rafael, kalmado ang tinig. “Ako ang kakausap sa kanila.”
Huminto ang patrol car at agad bumaba ang dalawang pulis, armado at alerto. Isa sa kanila ang sumilip sa loob.
“Good evening, sir. May hinahanap kaming babae—duguan, tumakas matapos manaksak. Nakita n’yo ba?” seryosong tanong ng isa.
Sandaling tumahimik sa loob ng sasakyan. Halos tumigil ang paghinga ni Manuel, habang si Helen naman ay nagpipilit huwag lumabas ang kahit anong ungol sa kanyang labi.
Ngunit si Rafael, hindi nagpakita ng takot. Ngumiti siya ng bahagya, saka nagkibit-balikat.
“Officer, I’m a 65-year-old man in a wheelchair. Do I look like someone who would hide a fugitive?”
Nagkatinginan ang dalawang pulis. Ang isa’y tumingin pa sa loob, ngunit natatakpan ng kumot si Helen sa likuran.
“May duguang babae raw na tumakbo rito,” giit ng isa. “Hindi niyo ba nakita?”
“Then you’d better hurry,” sagot ni Rafael, malamig ngunit matatag ang boses. “You might be wasting time stopping harmless old men like me, habang baka nasa kabilang kanto na ang hinahanap ninyo.”
Bahagyang natahimik ang mga pulis. Sa huli, tumango ang isa.
“Alright, sir. Pasensya na sa abala. Ingat po kayo.”
Pag-alis ng patrol car, agad muling pinaandar ni Manuel ang sasakyan. Nanginginig pa rin ang kamay niya sa manibela.
“Senyor… muntik na tayong mabuking! Kung nakita nila si Helen—”
Ngunit pinutol siya ni Rafael.
“Manuel, sometimes courage means protecting someone even if the whole world calls them guilty. Tandaan mo ‘yan. Bawasan mo rin ang pagkakape at masyado kang matatakutin.”
Napakamot ng ulo si Manuel.
Sa likuran, bahagyang nagmulat ng mata si Helen. Mahina ngunit malinaw ang tinig nito habang nakatingin kay Rafael.
“Sa---lamat po.”
Ngumiti si Rafael, may bakas ng pagod ngunit may apoy pa rin sa kanyang mata.
“Rest, hija. You’re safe now. I’ll make sure of it," nakangiting wika ni Rafael sa dalaga. "Malapit na tayo sa bahay."