“Sa tingin mo paano ka makakahanap ng trabaho hindi ka man lang nakatapps ng high school? Masyado kanng nagmamalaki Helen, samantalang hindi mo naman kaya. Magpasalamat ka nga at may pamilyang tumatanggap sayo. Kinupkop ka namin kahit wala ka namang silbi!” sigaw ni Tita Juana.
“Tita, maawa na kayo sa akin. Natatakot na po ako rito.. Maawa naman po kayo sa akin kung talagang itinuturing niyo pa akong kamag-anak sana man lang ay pakinggan niyo ako,” pagsusumamo niya.
“Hawakan niyo nga ang babaeng ito!” sigaw ni Tita Juana. Hinila nito ang buhok niya kaya napangiwi siya sa sakit. “At lalayas ka talaga ha? Walang-hiya ka!”
Lumapit si Vanessa at June upang hawakan siya. Pilit siyang nagwawala sa pagkakahawak ng dalawa.
“Sinabi ko naman sayo, hindi ba, Juana? Ibang klase yang pamangkin mo, mahilig gumawa ng kwento,” wika pa ni Tito Lucas. “Akala mo ay santo yun pala may binabalak na at gusto pang patayin si Marco.”
“Hindi ako gumagawa ng kwento dahil totoo lahat ng sinasabi ko. Pinagtangkaan ninyo akong gahasain!” sigaw ni Helen. “Bakit ba ayaw niyo akong paniwalaan Tita Juana. Wala akong ginagawang masama, lahat tinitiis ko…Nagtatrabaho ako kahit na hindi ninyo ako pinapakain ng maayos ay okay lang sa akin. Sobra pa sa katulong ang pagtrato ninyo sa akin pero hindi ko magawang magreklamo dahil malaki ang utang na loob ko sa inyo pero ngayon, hindi ko na kayang palagpasin pa ang ginagawa ninyong lahat sa akin!”
Nabigla pa si Helen ng biglang hilahin ang kanyang buhok ni Vanessa. Pakiramdam niya natanggal ang anit niya dahil sa lakas ng pagkakahila nito sa buhok niya.
“Napakadaldal mo sobra! Ang sabihin mo napakalandi mo talaga at pati si papa at si kuya hindi mo pinatawad!” sigaw ni Vanessa sa kanya habang kinakaladkad siya.
Nakita ni helen ang pagbalasik ng mukha ng kanyang tiyahing. Hinawakan nito ang kanyang mukha at nabigla pa siya ng bigla nitong guhitan ng kutsilyo ang kanyang makinis na mukha. Napasigaw siya sa sakit. Mabilis na dumaloy ang dugo sa kanyang mukha.
“Iyan ang tama sa'yo. Akala mo napakaganda mo? Tama yang ginawa mo Ma, ang lagyan siya ng pilat sa kanyang mukha para makita niya kung sino ba talaga siya! Isa lamang siyang basahan at utusan sa bahay na ito!”
Nataranta si Helen ang makita ang dugo na dumadaloy sa kanyang mukha. Pilit siyang kumakawala, nagpupumiglas upang lumaban. Sinipa niya ang kanyang tiyahin kaya lalo lamang itong nagalit sa kanya.
“Ganyan ang mga bagay sa tulad mo, napakalandi mo! Ngayon sino pang magkakagusto sa mukha mong yan?” sigaw nito sa kanya. Sa halip na maawa sa kanya ay nagtawanan pa ang mga ito.
Napakasamahanin ninyo!” palahaw ni Helen.
Inipon niya ang lahat ng kanyang lakas at nakawala siya sa pagkakahawak ni June at Vanessa, tatakbo sana siya papunta sa pintuan upang tumakas pero hinila ng kanyang tiyahin ang kanyang buhok. Itinulak niya ito ng ubod ng lakas para lamang makawala na kahit paduguan ang kanyang mukha pero pagtulak niya ay natumba ito at bumangga kay June, nasaksak nito si June sa dibdib na ikinagulat nilang lahat. Maging siya hindi niya inaasahan ang mabilis na pangyayari pero wala siyang kasalanan.
“What the hell! Anong ginawa mo Helen? Walang hiya ka!” sigaw ni Marco na sinampal siya ng ubod ng lakas at tinadyakan sa katawan. Napahandusay sa sahig si June lahat ay nataranta dahil ang kutsilyo ay bumaon sa dibdib nito.
“Hayop ka!” sigaw ni Vanessa na hinablot ang kutsilyo sa ina at sinaksak sa tagiliran si Helen. Napasigaw si Helen pero hindi niya iyon ininda. “Mamatay ka!” sigaw pa ni Vanessa. Sasaksakin pa sana siya nito pero mabilis siyang nakatakbo palabas hawak ang tagiliran na may sugat.
“Si June!” sigaw ni Marco, narinig niya pa ang sigaw nito. “Tumawag kayo ng ambulance!”
Hindi na tumigil si Helen sa pagtakbo. Kailangan niyang makalayo.
Sa bawat hakbang ni Helen ay ramdam niya ang pag-agos ng dugo mula sa kanyang tagiliran. At mukha…Nanlalabo na ang kanyang paningin, nanginginig ang katawan, ngunit mas nangingibabaw ang kanyang takot kaysa sa sakit. Hindi na siya lumingon pa sa bahay na iyon, bahay na dapat ay kanlungan niya ngunit naging impyerno ng kanyang buhay.
Habang tumatakbo siya sa madilim na kalsada, iniisip niya ang lahat ng nangyari. Natigilan siya nang maalala ang duguang katawan ni June. Alam niyang wala siyang intensyon na saktan ito, ngunit sa mata ng lahat, siya ang magiging salarin. Sigurado siya dun. Siya ang madidiin.
“Diyos ko… anong gagawin ko?” bulong niya sa sarili, halos hindi na makahinga habang patuloy na tinatakpan ang sugat sa kanyang tagiliran.
Patuloy lamang siya sa paglalakad.
Habang nanginginig at nakasandal siya, biglang dumaan ang isang matandang babae na nagbebenta. Nagulat ito nang makita ang duguan at halos himatayin na si Helen.
“Ay Diyos ko! Iha, anong nangyari sa’yo?!” sigaw ng matanda na mabilis na inilapag ang dala at lumapit.
“Wag po! Huwag n’yo po akong ibalik doon, papatayin nila ako,” mahinang wika ni Helen, nangingilid ang luha habang pilit na pinipigilan ang pagkawala ng malay.
“Huwag kang mag-alala, anak. Hindi kita pababayaan. Tara, dadalhin kita sa ligtas na lugar,” sagot ng matanda habang tinutulungan siyang tumayo pero hindi siya nakinig. Mabilis siyang umalis at tumakbo palayo sa lugar na iyon. Kailangan niyang makalayo.
Lakad takbo ang ginawa ni Helen. Hanggat may lakas ay ginagawa niyang tumakbo.
*************************
NAGKAKAGULO pa rin sa bahay habang si Helen ay tumatakbo papalayo. Si June ay nakahandusay, halos walang malay at patuloy na dinudugo. Umiiyak si Vanessa habang pinipilit pigilan ang sugat ng kapatid, samantalang si Juana at Marco ay natataranta.
“Tumawag ka ng pulis! Bilisan mo, sabihin mong sinaksak ni Helen si June!” pasigaw na utos ni Juana sa anak na si Marco dahil wala ng malay si June. Ang dami ng dugong nakakalat sa sahig ng mga oras na iyon. “Daliin mo! Mauubusan ng dugo ang kapatid mo!”
“Opo, Ma!” mabilis na sagot ni Marco at dinampot agad ang telepono.
“Hello? Please, tulungan n’yo kami! My cousin Helen stabbed my sister. Tumakas siya, armado siya at napakadelikado!” halos pasigaw niyang sabi sa kabilang linya.
Ilang minuto lang, dumating ang ambulansya at patrol cars. Nataranta ang mga kapitbahay, nagsibasan ang mga tao, gustong makita ang nangyayari.
“Dito po! Duguan ang kapatid ko!” sigaw ni Vanessa habang tinuturo si June.
Agad na lumapit ang mga medic at isinakay si June sa stretcher. Samantala, ang mga pulis naman ay nag-imbestiga kaagad.
“Sino ang gumawa nito?” tanong ng isang pulis.
“Ako na po ang magsasabi,” sabat ni Juana, galit na galit ang boses. “Ang pamangkin kong si Helen! Matagal na siyang may problema sa ugali. At ngayon, muntik na niyang patayin ang anak ko. Hindi lang si June, pati asawa at anak kong lalaki, gusto niyang saktan! Pinagtangkaan niya ang buhay namin!”
“Opo, Sir! Nakita ko mismo!” dagdag ni Marco, seryoso ang mukha na parang totoo ang lahat. “Hawak niya ang kutsilyo. Siya ang sumaksak kay June!”
Si Lucas naman ay nasa ambulance na.
Nagkatinginan ang mga pulis at agad nagdesisyon.
“Kung gano’n, siya ang primary suspect. Hanapin natin agad. Delikado siya at baka may iba pa siyang saktan.”
Habang isinasakay si June sa ambulansya, isa pang pulis ang nagsalita.
“Mobilize the team. I-check ang mga kalye at eskinita. Siguraduhin na hindi siya makakalayo.”
Samantala, si Helen ay halos matumba na sa pagtakbo. Ramdam niya ang dugo na dumadaloy mula sa kanyang tagiliran, nanginginig ang kanyang katawan. Pinilit niyang humanap ng ligtas na lugar….Doon siya sumandal, halos mawalan ng malay.
Naririnig niya ang sunod-sunod na serena ng mga police car, pati na rin ang mga sigawan ng mga tao sa paligid.
“Yung dalaga raw na si Helen, siya raw ang sumaksak!” bulong ng ilang usisero.
Halos malaglag ang puso niya sa narinig.
Isang boses ng pulis mula sa megaphone ang narinig niya sa di-kalayuan.
“Hanapin si Helen! Dangerous suspect, possible attempted murder!”
Parang gumuho ang mundo ni Helen sa narinig. Wanted na siya ngayon sa kasalanan na hindi niya naman ginawa…