HININTAY ni Helen na lumalim ang gabi upang maisakatuparan niya ang kanyang plano... Nakaupo si Helen sa gilid ng kama kanina pa, nanginginig habang nilalagay ang ilang piraso ng kanyang gamit sa lumang bag. Wala siyang pera, wala siyang matutuluyan, ngunit wala na siyang pakialam. Ang mahalaga ay makalayo siya sa pamilyang ito na labis niya ng kinasusuklaman. Hindi lang pananakit ang kanyang natatanggap kundi kawalang-hiyaan. Mas matatanggap pa niya ang pananakit ng mga ito sa kanya pero ang pagtangkaan ang p********e niya? Yun ang hindi niya kaya.
“Hindi na ako ligtas dito, kailangan ko nang umalis, kahit saan pa ako mapunta, basta makalayo lang,” bulong niya sa sarili dahil desperado na siya.
Nang matiyak na tulog saka niya na ginawa ang kanyang plano.. Paglapit niya sa pinto, akmang bubuksan na niya iyon nang biglang may humawak sa kanyang kamay.
“Saan ka pupunta, Helen?”
Natigilan siya.. Dahan-dahan siyang lumingon, at nakita niya si Marco na nasa likuran niya at nakangising parang isang hayop na nakakita ng biktima.
“Marco…” nanginginig ang tinig ni Helen. “P-parang awa mo na, hayaan mo na akong umalis. Hindi ko na kaya rito…” Nagmamakaawa siya na takot na takot at baka magising ang nanay nito.
“Akala mo makakatakas ka? Akala mo ganun lang kadali?” Hinablot nito ang strap ng bag at agad na ibinagsak sa sahig.
“Marco, please! Wala akong masamang ginagawa. Gusto ko lang lumayo!” halos maluha na si Helen habang yumuyuko para pulutin ang bag, ngunit tinadyakan ito ni Marco palayo.
Lumapit siya nang tuluyan, at halos idikit ang mukha sa pinsan. “Palalayain kita pero pumayag ka muna sa gusto ko.”
Natigilan si Helen, nanlaki ang mga mata. “A-anong ibig mong sabihin?”
Nakangising sagot ni Marco, kinakabahan siya sa gusto nitong mangyari… “Simple lang naman ang gusto ko, Helen… paligayahin mo ako. Pagkatapos noon, malaya ka nang makaalis. Tutulungan pa kita na makatakas.”
Parang binagsakan ng langit at lupa si Helen. Napaatras siya hanggang sa dumikit ang likod niya sa dingding. “Marco! Pinsan mo ako! Magkadugo tayo! Naririnig mo ba ang sinasabi mo?”
Tumawa si Marco, malamig at puno ng pangungutya. “At ano ngayon kung magkadugo tayo? Wala akong pakialam. Ang mahalaga, makuha kita.”
“Hindi! Hindi mo puwedeng gawin ito! Mali ito!” sagot ni Helen, nanginginig habang tinatakpan ng dalawang kamay ang sarili na parang proteksyon.
Hinawakan siya ni Marco sa braso, mariin at masakit. “Mali? Hindi. Ito lang ang tanging paraan para makaalis ka. Pagbigyan mo ako o dito ka na habang buhay.”
“Hindi!” umiiyak na tugon ni Helen, pilit kumakawala. “Mas pipiliin ko pang mamatay kaysa gawin ’yan!”
Mas lalo siyang hinigpitan ni Marco, nakatitig nang matalim. “Mag-isip ka, Helen. Baka pagsisihan mo ang mga sinasabi mo mo.”
Lumapit sa kanya si Marco. Hinaplos ang mukha niya habang siya ay nakasiksik sa gilid ng pinto at takot na takot. Maya-maya pa ay bumaba ang kamay nito sa kanyang braso hanggang sa umabot iyon sa kanyang dibdib.
“Ganyan nga Helen… Pumayag ka nalang para makuha mo ang gusto mo. Pagbigyan mo lang ako at matatapos na ang paghihirap mo. Bibigyan pa kita ng pera para makapagsimula ka,” ani pa sa kanya ni Marco. Tila siya natauhan ng bumaba ang kamay nito sa butones ng kanyang pantalon. Mabilis niyang itong itinulak.
Kinuha niya ang kutsilyong itinago niya sa bulsa....Hawak ni Helen ang kutsilyo, nanginginig man ang mga kamay niya ay itinutok niya iyon kay Marco.
“Subukan mo at papatayin kita!” mariing wika ni Helen, sabay labas ng kutsilyo mula sa bulsa at itinutok iyon sa dibdib ng pinsan.
Napaatras si Marco, saglit na natigilan. Kita sa mga mata nito ang kaba ngunit mabilis ding napalitan ng galit.
“Kapag pinigilan mo ako ay papatayin kita!” dagdag pa ni Helen, halos mabasag ang boses sa pinaghalong takot at tapang.
Ngunit sa isang iglap, mabilis na naitulak ni Marco ang braso niya at naagaw ang kutsilyo. “Walanghiya kang malandi ka!” sigaw ni Marco, sabay itinutok sa kanya ang kutsilyo.
Nag-agawan sila. Si Helen ay desperadong pilit na hinahablot muli ang kutsilyo, ang buong katawan niya’y nanginginig.
“Marco, tama na! Huwag!” iyak ni Helen.
Pero lalo lamang siyang tinulak ni Marco sa pader. “Kanina pa kita gustong tikman, Helen! Tapos tatakutin mo pa ako ng kutsilyo?!” galit na sigaw nito. Hinalikan siya nito sa leeg. Parang asong ulol na ayaw magpaawat.
“Bitiwan mo ako! Hayop ka!” hiyaw ni Helen sabay malakas na sigaw ng tulong. “Tulong! Tulongggg!”
Ang mga tao sa bahay ay nagising dahil sa malakas na sigaw ko. Mabilis na bumukas ang ilaw sa salas at sunod-sunod na yabag ng mga paa ang narinig. Bumaba si Tita Juana, kasunod si Vanessa, at ilang sandali’y lumitaw si Tito Lucas.
“Ano bang nangyayari dito?!” malakas na tanong ng tiyahin, kitang-kita ang takot sa kanyang mukha nang makita ang dalawang magpinsang nag-aagawan sa kutsilyo.
“Tita! Hindi ako makawala! Tulungan n’yo ako!” sigaw ni Helen, luhaan, halos wala nang boses sa kakasigaw.
“Ma! Si Helen! Gusto akong saktan! Siya ang may hawak ng kutsilyo kanina! Gusto niyang tumakas kaya pinigilan ko lang. Tingnan niyo ang bag niya,” mabilis na depensa ni Marco, pilit na ibinabaligtad ang sitwasyon.
“Hindi totoo! Siya ang gusto akong gahasain!! Nakikiusap ako sa inyo, tulungan n’yo ako!” hagulgol ni Helen, halos mawalan ng lakas pero pilit na kumakapit sa dulo ng kutsilyo upang hindi tuluyang maagaw ni Marco.
Nanlaki ang mga mata ni Vanessa, nanatiling nakatulala sa eksena, hindi makapaniwala sa nakikita.
“Tatakas ang babaeng ito Ma. Inuuto niya pa ako na pagbibigyan niya ako kapag pinayagan ko siya kaya hindi ako pumayag. Isa pa, nakita ko siyang kumukha ng pera sa wallet ninyo,” ani Marco sa ina.
Ngunit hindi na napigilan ni Helen ang sarili. “Tita, kung hindi n’yo ako paniniwalaan, mas mabuti pa mamatay na ako kaysa manatili dito! Hindi niyo alam kung gaano na ako natatakot araw-araw sa bahay na ito!” sigaw na sagot ni Helen.
Mabilis na lumapit si Tita Juana sa amin. Kinuha ang kutsilyo kay Marco at itunutok sa akin.
“Papatayin mo ang anak ko?” sigaw ng tiyahin? “Sino ka ba sa akala mo ha?”
Natakot ako sa kutsilyo na nasa leeg ko. Hindi ako makapagsalita. “Kinupkop kita sa bahay ko hindi para maging ganyan ka. Isang sinungaling! Pati pamilya ko gusto mong sirain? Gusto mong umalis sa bahay ko? Bakit bayad ka na ba? Hindi pa diba? Anong pinagmamalaki mo ang mukha mong yan?”
“Tita, maawa na po kayo. Pakawalan niyo na ako. Magtratrabaho ako, at magbabayad sa inyo. Palayain niyo lang ako,” pagsusumamo kong umiiyak.