Unti-unting gumagaling ang mga sugat ni Helen. Hindi na ganoon kabigat ang bawat paghinga dahil alam niyang ligtas siya lugar na kinaroroonan, at kahit masakit pa rin ang kanyang katawan, nagagawa na niyang umupo at dahan-dahang tumayo mula sa kama. Sa bawat araw na lumilipas, natututo na siyang maniwala na hindi lahat ng tao ay katulad ng kanyang Tiya Juana.
Nakasandal siya ngayon sa unan habang kausap si Nanay Elena. Nakaupo ang ginang sa gilid ng kama, hawak ang isang basong tubig. Sa kabilang dulo naman ng silid, abala si Tatay Manuel sa pag-aayos ng mga bulaklak na laging inilalagay ni Senyor Rafael sa kanyang kwarto.
“Nanay Elena,” mahina ngunit malinaw ang tanong ni Helen. “Wala po ba kayong anak ni Tatay Manuel?” usisa niya pa.
Nagkatinginan saglit ang mag-asawa, at ngumiti si Elena ng mapait. “Wala, iha. Hindi kami nabiyayaan,” tugon niya, at marahang pinisil ang kamay ni Helen. “Pero okay lang, kahit wala kaming anak ay tanggap naman namin. Siguro ito ang plano ng Diyos sa aming dalawa.”
Saglit na natahimik ang dalaga, bago muling nag-usisa. “Si Senyor po… may anak po ba siya?”
Napatingin si Elena sa kanya, saglit na nag-isip bago sumagot. “Meron. At isang araw makikilala mo siya.”
Hindi nakapagsalita si Helen. May kung anong kaba ang bumalot sa kanya sa ideya na makakaharap niya ang anak ng may-ari ng bahay. Hindi niya alam kung paano siya tatanggapin ng anak ni Senyor kung may awa ba ito sa kanya, o baka katulad lamang ng mga taong humusga at nagtulak sa kanya sa bangin ng kasinungalingan at kalupitan.
Ngunit naputol ang kanilang pag-uusap ng biglang dumating si Tatay Manuel. May bahagyang pagmamadali sa kanyang hakbang.
“Helen,” sabi niya. “Pinapatawag tayo ni Senyor sa library room.”
Napakuyom ang palad ni Helen at bahagyang nanginig ang dibdib niya. “B-bakit po? May ginawa ba akong mali?”
Ngumiti si Manuel at umiling. “Wala, iha. Huwag kang matakot. Hindi ka parurusahan dito.”
“Tama ang Tatay Manuel mo, ” dagdag ni Nanay Elena habang inaayos ang buhok ni Helen. “Kung anuman ang dahilan, siguradong mabuti iyon. Mabait na tao si Senyor... Nagpapatawag lang naman siya kapag importante ang kanyang sasabihin at hindi mo kailangan matakot.”
Huminga ng malalim si Helen. “Paano kung ang itanong niya ulit ay ang nakaraan ko at ang krimin na nagawa ko? Hindi ko po alam kung anong sasabihin ko…
Nagkatinginan ulit ang mag-asawa, at si Manuel ang sumagot. “Sinabi mo rin naman ang totoo hindi ba at hindi ka huhusgahan ni Senyor Rafael at ang desisyon niya sigurado akong galing sa kanyang puso. “
Dahan-dahan, tinulungan siyang itinayo ni Nanay Elena mula sa kama.
“Kaya mo na bang maglakad?”
Tumango si Helen, bagama’t halatang nanginginig pa rin ang kanyang mga tuhod. Bawat hakbang ay may kasamang kirot, ngunit pinilit niyang magpatuloy. Sa hallway ng malaking mansyon, dama niya ang bigat ng katahimikan. Ang mga larawan ng mga ninuno ni Senyor ay nakasabit sa dingding, bawat pares ng mata ay tila nakamasid sa kanya. Napakaganda bahay at sobrang laki. Maging ang mga kasangkapan sa tingin niya ay sobrang mamahal. Napansin niya rin ang silang silid na nakasarado.
Pagdating nila sa harap ng library hinawakan ni Helen ang malamig na doorknob. Sa loob, naroon si Senyor Rafael, nakaupo sa malaking leather chair habang hawak ang isang makapal na libro. Ang liwanag mula sa chandelier ay nagbigay ng karangyaan sa silid na puno ng mga lumang aklat at makukulay na painting. Napansin niya rin na bukas ang malaking TV sa harapan nito. Hindi niya mapigilan ang kabahan.
Pagpasok niya, hindi niya maiwasang mapalunok. Parang napunta siya sa ibang mundo, isang lugar na malayo sa karumihan at dilim ng kanyang nakaraan.
“Come in, Helen. Maupo kayo” malumanay na sabi ni Senyor Rafael, nakatingin sa kanya mula sa mesa.
Dahan-dahan siyang lumapit, at naupo sa upuan sa tapat ng matanda. Hindi niya alam kung saan ilalagay ang kanyang mga kamay, kaya’t pinaglaruan na lamang niya ang laylayan ng kanyang damit.
Nagtagal ang katahimikan bago muling nagsalita si Senyor Rafael.
“Helen,” aniya, “I asked you here because there are things we need to talk about. Not about your past at least, not yet. But about your future.”
Napatingin siya bigla, hindi makapaniwala. “F-future?”
“Yes,” tumango ang matanda, diretso ang titig sa kanya. “Because under this roof, you are no longer just a lost girl. You are someone who deserves a chance to start again.”
Nabigla si Helen, at halos mapaiyak. Sa unang pagkakataon, may nagsabi sa kanya ng mga salitang iyon.
“Hindi niyo po ako paaalisin? Hindi kayo natatakot sa akin?” Tanong niya.
Tinignan siya ng diretso ng matanda ikaw ang magsabi sa akin Helen, may dapat ba akong katakutan sayo?”
Sunod-sunod ang naging pag-iling Helen.
“Ganun naman pala, so, wala akong dapat na ikabahala pero bago iyan gusto ko sanang mapanood mo itong nasa TV. Manuel, Elena, panoorin niyo rin.”
Lahat sila ay napatingin sa tv at naghihintay na buksan iyon.
KRIMINAL NA SI HELEN SALVADOR, PINAGHAHANAP NG MGA OTORIDAD MATAPOS UMANONG PATAYIN ANG KANYANG PINSAN
Patuloy na tinutugis ng mga awtoridad ang isang babae na kinilalang si Helen, matapos itong akusahan sa pagkamatay ng kanyang pinsan sa isang insidente kagabi..
Ayon sa ulat ng pulisya, naganap ang krimen sa loob ng tahanan ng pamilya kung saan nakatira si Helen. Base sa imbestigasyon, nagkaroon umano ng mainit na pagtatalo sa pagitan ng dalawa na humantong sa pananakit. Hindi na umano nagawang maisugod sa ospital ang biktima at idineklarang dead on the spot.
Ipinahayag ng ilang saksi na tumakas si Helen matapos ang insidente. Dahil dito, nagsimula ang malawakang operasyon ng mga pulis upang matunton ang kinaroroonan ng suspek.
“Ginagawa namin ang lahat upang agad na mahuli ang akusado. Hinihiling din namin sa publiko na makipagtulungan at agad na magsumbong kung may impormasyon sila ukol sa kanyang pinagtataguan,” pahayag ni Police Lt. Col. Aragon.
Habang nanonood ay bumubuhos ang luha ni Helen lalo na at nakita niya ang kanyang mukha sa tv at nakalagay doon na wanted siya sa isang krimen na hindi naman siya ang gumawa, nanginginig ang kanyang mga kamay at maging kanyang katawan ay ramdam niya na rin ang panginginig.
“Binigyan namin siya ng bahay, inaruga, pinakain at binihisan pagkatapos ay ganito ang kanyang ginawa? Pinatay niya ang anak ko, kriminal ang Helen Salvador na yan, kaya sana tulungan niyo akong pagbayarin ang taong pumatay sa aking anak na si June, “ wika pa ng kanyang Tita Junna niya sa TV.
Sunod-sunod ang naging pag-iling ni Helen.
“Hindi yan totoo, hindi ako ang pumatay kay June, siya ang aksidenteng nakasaksak sa kanyang anak. hindi po yan totoo senyor,” pagsusumamo ni Helen sa matanda at maging kay Nanay Elena at Tatay Manuel ay sinasabi niya ring wala siyang kasalanan. Hindi niya magagawa ang mga ibinibintang ito sa kanya, kahit mamatay pa siya ngayon ay hindi niya kayang pumatay ng tao kahit pa abot langit ang galit niya sa pamilyang inaakala niya. Dahil sa mga narinig ay lalo lamang siyang nagngingitngit dahil idinidiin siya sa kasalanang hindi naman siya may gawa.
“Sila ang may kasalanan sa akin, binubugbog ako ng paulit-ulit at pagkatapos ay pinagtangkaan pang gahasain, pagkatapos ako ang wanted ngayon? Anong klaseng tao sila? Kadugo ko sila pero bakit nila ako ginaganito?”