CHAPTER 11: RAFAEL'S CONDITION

1304 Words

“Huwag ka nang mag-alala pa, Helen,” wika ni Senyor Rafael habang mariing nakatingin sa kanya. “Pinaimbestigahan ko na ang lahat. Nagpadala ako ng tao sa lugar ninyo at nagtanong-tanong siya roon. Nalaman ko ang katotohanan kung paano ka nila pinagmamalupitan at tinitingnan na parang wala kang halaga. Kaya naniniwala akong wala kang kasalanan.” Biglang bumuhos ang luha ni Helen at napahawak siya sa dibdib, tila hindi makapaniwala sa mga salitang narinig. Nanginginig ang kanyang tinig nang sumagot. “Hindi po… hindi po talaga ako, Senyor. Hindi ko kayang pumatay ng tao! Abot-langit man ang galit ko sa kanila ngayon dahil sa ginawa nilang pagmamalupit, dahil sa paulit-ulit nilang pambabastos at pagturing sa akin na parang hindi ako tao pero ang pumatay? Hindi ko po kaya… hindi ko po talaga

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD