Nasa ilalim kami ng kubo ni Aling trining kasama ng ilang kababaihang mangyan at abala sa pagbuburda. Maaga kaming nagising ni Duncan kanina at dito agad dumiretso.Nakatulog ako maghapon at umaga na ng magising sa sobrang pagod. Malamig ang hangin at panaka naka ang pag abon.Tinanaw ko si Duncan sa gitna ng kabukiran na abala sa pagtatanim ng palay kasama ng ilang kalalakihan. Ilan dito ang asawa ni Aling trining, si Tatay Berto at ilang binata. "Ay ang guwapo talaga ni Ser Duncan ma'am" Napalingon ako sa dalagang si Rita. Kilig na kilig ito. Pati pala yong ibang kasama namin doon. Napangiti narin ako. "Suwerte kayo jan ma'am.. Napakabait po niyan ni Ser. " "Siguradong masarap din yan. Kano Eh"Natawa kaming lahat sa sinabi ni nanay sally. Lahat ng tao magiliw at natutuwa kay Duncan.

