Ilang oras din kami sa village bago nagdesisyong umuwi. Napakagaan ng pakiramdam ko at parang ayaw ko ng umalis doon. Dumaan kami kanina sa sapa ni Duncan at kumuha ng mga tilapia mula sa fishpond ni Kua Temyong. Hinatid kami ni Tatay Berto.Sakay kami ng isang karosa na hila hila ng isang kalabaw . Hindi na kasi magkasya sa bike yong mga bitbit namin.Maraming mga gulay at prutas ang pinadala sa amin ng tribo.Naranasan ko ring maghabol kanina ng native na manok para daw sa tinola. Hindi ako magkamayaw sa pagkuwekuwento habang nakaupo at nakasandig kami sa karo. Nangako ako sa mga taga village na babalik kami ni Duncan mamayang hapon.Gusto daw nila akong turuan magburda. At excited na akong matuto. Dumiretso sa bukid si Tatay Berto pagkatapos magpaalam. Sabay kaming pumasok si Duncan. Is

