UNFAITHFULLY YOURS Joemar Ancheta Chapter 18 Daniel’s Point of View Walang tao sa CR nang babae nag binuksan niya ito. Pumasok siya at naghintay ako sa labas nang bigla siyang lumabas at hinila niya ako sa loob. “Uyy baka makita tayo. Ano k aba? CR ng mga babae yan.” “Akong bahala. Huwag ka nag kumontra. Walang tao oh?” Kahit pa natatakot ako at kinakabahan ay pumasok kami. Agad naming tinungo ang pang-huling cubicle ngunit hindi muna kami pumasok kasi lumilingon ako sa pintuan dahil baka biglang may papasok at mabuking ako at mareklamo. First time kong nakapasok sa CR ng mga babae. Ngumiti siya sa akin. Ngumiti din naman ako pero mabilis kong ibinaling ang tingin ko. Hinawakan niya ang kamay ko. "Halika, bilis!" niyakag niya ako. "Saan?" tanong ko pero alam kong sa cubicle niya a

